Mobile Home | Desktop Version




ISANG LINGO NA LANG

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 22 Jun 2008

LOS ANGELES, CA ? Magandang araw po sa inyong lahat lalung-lalo na sa mga sumusubaybay ng kolum na ito. Binabati ko rin iyong mga nagpapadala ng sulat at email mula sa iba't-ibang bahagi ng mundo at sa Pilipinas. Pasensiya na po't hindi ko nagagawang sagutin lahat ng inyong mga pagbati, tanong at iba pang request.

Sa oras na binabasa ninyo ang kolum na ito, may isang linggo na lang ang natitirang panahon bago kami magkasagupa ni David Diaz sa labanang "Lethal Combination" na gaganapin sa Mandalay Bay Resort Arena sa Las Vegas sa Hunyo 28.

Sa pagsapit ng araw ng Sabado, Hunyo 21, nakapag-spar na ako ng 140 rounds at masasabi kong malapit ko nang makuha ang 100 percent na buti ng kundisyon at sa tulong ng Panginoong Diyos, susubukan nating kopohin ang World Boxing Council lightweight championship.

Kung tayo ay mananalo, makukuha ko na ang ikalimang major na titulo sa iba't-ibang weight divisions mula sa 112 pounds. Mula nang ako ay magwagi at tanghaling kampeon sa WBC flyweight division noong Dec. 4, 1998 o halos sampung taon na ang nakakaraan, naipanalo ko rin ang International Boxing Federation super-bantamweight crown (122 pounds) noong June 23, 2001. Opo, mula nang hindi ko na kayang idepensa ang aking korona dahil na rin sa kusang paglaki ng aking katawan at sa hirap sa pagkuha ng timbang, umakyat ako ng tatlong weight divisions upang maging kampeon ulit ng mundo.

Kinukunsidera ko ring isang major na titulo ang pagkakapanalo ko sa Ring Magazine featherweight "People's Champion" belt kontra kay Marco Antonio Barrera noong Nobyembre 15, 2003 sa kadahilanang si Barrera ang itinuturing na kampeon ng mundo noong panahon na iyon dahil na rin sa pagkakapanalo niya sa WBC featherweight title laban kay Erik Morales.

Nanalo ako kontra kay Barrera kahit na walang titulo ang nakataya pero sa tingin ng marami, dapat lang akong tanghaling kampeon ng dibisyon na iyon dahil na rin sa tindi at pamamaraan ng aking pag-knockout sa Mexicano. Marami ang rumerespeto sa Ring Magazine at itinuturing bibliya ito ng maraming boxing fans.

Isa pa ring Mexicano ang aking tinalo noong Marso 15 sa kasalukuyang panahon. Dinaig natin ang dating kampeon ng mundo na sa Juan Manuel Marquez upang makamit ang ika-apat na titulo.

Kapag natalo natin si Diaz, alam kong maraming record ang aking makakamit at siyempre, panibagong karangalan ulit ang matatanggap ng ating bansa kasama na rin kayo, ang aking mga kababayan. Inspirado ako at handa na. I will continue to train hard in order to bring more honor to my country, family and God. So far, so good.

Sa Lunes, susulong kami kasama ang aking pamilya, kaibigan at Team papuntang Las Vegas at doon ko tatapusin ang training. Kumakain pa rin ako ng marami at sa tingin ko, hindi ako mahihirapan masyado sa pagkuha ng timbang dahil tayo ay umaakyat na sa 135 pounds sa kauna-unahang pagkakataon.

Sana po ay ipagpatuloy ninyo pa rin ang pagdarasal para sa ikapapanalo nating lahat. Konting tiis na lang, konting paghihirap pa. Sana sa huli, makuha natin ay sarap.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025