
Pagtitiwala at Respeto kay Boboy Fernandez
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 19 Jun 2008

LOS ANGELES, CA ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan kahit na medyo masama ang panahon sa maraming bahagi ng mundo.
Opo, medyo marami sa aking mga kaibigan ang may dinaramdam na sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat dahil na rin siguro sa pag-iba ng panahon dito sa Los Angeles at sa ibang bahagi ng bansa.
Isa sa mga tinamaan ng flu ay si "Coach" Freddie Roach may dalawang araw na ang nakakaraan, mula pa noong Lunes. Hindi na sumipot noong Martes si Coach at tuloy pa rin ang sparring para sa paghahanda ko laban kay David Diaz sa Hunyo 28 sa Mandalay Bay Resort Arena sa Las Vegas.
Minabuti ni Coach Freddie na hindi na muna sumipot upang hindi niya mahawaan ang kung sino mang boksingero na kanyang tinuturuan, kasama na ako doon. Tama ang desisyon ni Coach at wala naman halos problema sa training. Mahaba pa naman ang panahon para sa kabuuan ng training at tiwala ako sa aking team kahit na wala pansamantala ang pinuno.
Maganda pa rin ang takbo ng training kahit na na-miss namin ang pagkadalubhasa ni Coach Freddie sa pagbibigay ng instructions. Pero sa halip, si Buboy Fernandez ang humalinhin at pumuno sa lahat ng pagkukulang at kakulangan, kung mayroon man.
Sa kabuuan, nakapagtala na kami ng 122 rounds sa sparring matapos mag-spar kami ng 10 noong Martes kontra sa tatlong sparring partners. Si Buboy din ang tumapos ng apat na rounds sa mitts at pinakita niya ang kanyang dunong at nalalaman. Kahit na medyo tumaba na si Boboy, malaki na ang improvement niya mula nang siya ay turuan ko na maging trainer mga 12 taon na ang nakakaraan.
I remember forcing Buboy so that he could learn how to handle the mitts well in 1996. I took him from the streets of General Santos City and he learned everything from scratch in Manila. Nagsimula siya sa wala, ngayon, sa tingin ko, isa na siya sa pinakamagaling na trainer hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Buboy Fernandez doing the stretching routine on Manny Pacquiao during their training in Cebu for the Barrera fight last year.
Marunong si Buboy na bumasa ng kalaban at talagang nag-aaral siya araw-araw para lalo siyang gumaling bilang isang trainer. Dalawa sila ni Coach Freddie na naghahanda ng plano upang maipanalo namin ang bawat laban at wala akong pangangamba na sila ang tagapangalaga ng aking buhay sa ibabaw ng ring. Matiyaga siyang nanonood ng tapes ng aking kalaban at tumuklas ng mga kahinaan ng kalaban.
Kasama sila Nonoy Neri at Eric Brown, binibigyan ako ng mahahalagang pananaw ng mga Team Pacquiao members sa sparring at sa mitts at masasabi kong malaking bagay ang kanilang opinion.
Kasama rin si Alex Ariza, ang aking conditioning coach sa magandang kondisyon na aking nadarama sa ngayon. Magana akong kumain, wala na rin ang sipon at ubo na aking naramdaman noong isang linggo. Sana, makaiwas ako sa mga taong may dalang virus at malusog ang aking isip, katawan at spirit sa pag-akyat ko sa itaas ng ring.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025