Mobile Home | Desktop Version




MALAKING RESPONSIBILIDAD

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 12 Jun 2008



LOS ANGELES, Ca. -- Kamusta po kayong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

Ako po ay nasa mabuting kalagayan papunta na sa huling dalawang linggo ng training at kahit na paakyat na kami sa pinakamahirap na yugto ng training, tinitiis ko ang hirap at sakit dahil mahal ko po kayong lahat at hindi ko kayo bibiguin.

Sa inyo ako kumukuha ng inspirasyon, una riyan, ang aking pamilya. Kayo ang dahilan kung bakit ako gumigising ng maaga at tumutuloy kahit na pagod na ako o may dinaramdam sa katawan. Opo, totoong nagkasakit ako noong isang linggo pero hindi ko na ibinalita sa media dahil marami lang ang mag-aalala.

Nag-aapoy ang aking katawan at masikip at mahirap huminga kapag may sipon at ubo. Pero tuloy pa rin ang jogging, tuloy pa rin ang sparring, tuloy pa rin ang calisthenics, sit-ups at pagpapakundisyon. Dinamihan ko na lang ang pag-inom ng juice kaya siguro mabilis na naanod ang virus sa aking sistema.

Marahil ay nakuha ko ang virus nang nakisalamuha ako sa maraming tao upang i-promote ko ang aking laban. Noong isang linggo ay nasa San Francisco kami kasama si David Diaz, ang aking katunggali sa laban sa Hunyo 28 sa Mandalay Bay Resort Arena sa Las Vegas.

Sa ngayon ay maigi na po ako, nag-spar ng 10 rounds ulit kanina (Martes ng hapon) at unti-unting nagre-recover upang matamo ko ang pinakamagandang kundisyon sa pagsapit ng laban upang asamin ang World Boxing Council lightweight belt na hawak ni Diaz. Ako po ay umakyat ng timbang matapos kong talunin at maiuwi ang WBC super-featherweight title mula kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.

Bukas ng umaga, (Miyerkules), kami naman ay papunta sa San Diego, California upang ipagpatuloy ang pagpo-promote ng laban. Dahil na rin sa aking estado bilang ambassador ng sport ng boxing, kailangan kong gawin ang nararapat upang maging mas maganda at bumalik ang nawawalang interes ng madla sa sport na ito.

Masaya ako na nakikita ko ang libo-libong mga fans na bumabati sa akin at naghihintay upang makakuha ng picture o humingi ng autograph. Diyan po nabubuhay ang sport na siya ring nagbibigay sa akin ng tsansa upang maging tanyag at hinahangaan ng marami. Kaya naman po ako rin ay nagbago na sa aking pamumuhay at ginagawa ko na lang ang tama.

Hindi na ako pumupunta sa casino o sabungan at sa halip ay naibigan ko na ang paglalaro ng darts, chess at pagtugtog ng keyboard. Nagpaparaos din kami ng oras sa pagkanta sa karaoke machine at napakasaya ng training camp so far.

I will do anything to win this fight for all of my fans and I will give all the fans of boxing their money's worth, with all your prayers adding strength to my quest for a fourth world title.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025