
Paalam, Kaibigang Rudy Fernandez
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 08 Jun 2008

Rudy Fernandez.
LOS ANGELES, CA ? Kumusta po kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Kahit na wala namang problema sa training camp, ako po ay lubos na nalulungkot sa pagyao ng aking matalik na kaibigan na si Rudy Fernandez.
Dumating ang balita sa akin mga alas 3:30 ng hapon ng Biyernes habang patapos na ako sa pag-eensayo sa Wild Card Gym dito sa Los Angeles. Si Daboy, tawag sa kanya ng malalapit na kaibigan ay pumanaw na. Siya ay 55.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Rudy ang isa sa mga pinakamasugid kong tagahanga at matagal ko na siyang kakilala at matalik na kaibigan. Hindi pa ako sikat at nagsisimula pa lang sa boxing, nanonood na siya ng aking mga laban. Siyempre, siya si RUDY FERNANDEZ, ang aking idol din sa puting tabing at sa totoong buhay.
Halos dalawang taon din na lumaban si Daboy sa kanyang karamdaman at kahit na siya ay nanghihina at nakakaramdam ng matinding sakit, hindi siya nawalan ng pag-asa, bagkus ay lalong lumakas ang kanyang loob upang lumaban. Matibay ang loob ni Daboy. Iyan ang una kong maaalala sa kanya. Siya ay may paninindigan sa sarili, na isa sa mga katangiang hinangaan ko sa kanya.
Kahit na medyo masama ang kaniyang kundisyon, palagi pa rin siyang sumusuporta sa akin. Sa huling tatlong laban ko sa Las Vegas, nandoon si Daboy upang magbigay ng suporta sa akin kahit na minsan ay iniinda niya ang sakit ng katawan.
Hanga ako sa iyo, kaibigang Rudy, dahil mas malaki ka sa totoong buhay kaysa sa puting tabing at sa iyong mga pelikula.
Nakapag-usap pa kami ni Rudy sa telepono noong Miyerkules ng hapon at sinabi niya na medyo nanghihina na nga daw siya. Basta, sinabi ko na lang na huwag siyang susuko at huwag siyang mawawalan ng tiwala sa Diyos. Alam kong lalong tumindi ang pananampalataya ni Rudy sa ating Poong Maykapal sa kabila ng kanyang kalagayan.
Tayo lang po ay tao at ang ating buhay ay hiram lang natin sa Dakilang Lumikha. Ang buhay natin dito sa mundo ay temporary lamang at naniniwala ako na ang totoong buhay natin ay nasa kabilang buhay kung saan makakapiling din natin and Diyos. Tayo lang po ay dumadaan sa landas na ito kaya naman ang sentro ng aking buhay ay ang aking pananampalataya sa Panginoong Diyos.
Sinabi sa akin ni Rudy na hindi siya susuko, kahit na alam na niya siguro na malapit na ang takdang panahon. Alam kong malaki na ang kaniyang ipinayat at alam kong iniuwi na siya sa kaniyang bahay mula sa ospital noong isang linggo. Mino-monitor ko ang kalagayan ni Rudy kahit na busy ako dahil alam kong sa buhay na ito, mayroon pa ring mga hiwaga na maaaring mangyari sa ating mga buhay. Alam ni Daboy na ang bawat araw na tayo ay nabubuhay ay kaloob ng Diyos na siyang dapat nating ipagpasalamat. Ang bawat araw na tayo ay nabubuhay ay isang hiwaga na iilan lang ang nakakatanto.
Marami tayong dapat ipagpasalamat sa Diyos kahit na ano pa man ang ating kalagayan sa buhay. Ang bawat araw ay isang milagro lalong lalo na sa buhay naming mga boksingero. Isang maliit na pagkakamali lang kahit na sa training ay maaring ikapipinsala ng marami sa amin, pinsala na maaring panghabang-buhay. Isang malaking pagkakamali ay maaari ring ikasawi ng aming buhay.
Kaya po walang bahid ang aking paniniwala sa Diyos, na siya ang pinagmumulan ng mga biyayang dumarating sa aking buhay. Siya ang pinagmumulan ng aking lakas, bilis at liksi sa ring. Siya ang nagbibigay sa akin ng talino kahit na kulang ang aking edukasyon. Ang Diyos ang gumagabay sa akin sa lahat ng aking gawain sa pangaraw-araw. Siya ang lumikha ng lahat at Siya ang nagmamay-ari ng lahat. Alam ko, na sa isang iglap, maaaring mawala ang lahat ng nasa sa akin kung wala Siya sa buhay ko.
Pareng Rudy, saan ka man ngayon naroroon, alam kong nasa piling ka ng Poong Maykapal at alam kong nakamit mo na ang saya at biyaya na galing sa Kanya. May you rest in peace!
At sa lahat ng mahal sa buhay, kamag-anak at kaibigan ni Pareng Rudy, ang akin pong pakikiramay.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. (end)
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025