Mobile Home | Desktop Version




It's nice to be back!

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 27 Mar 2008



GENERAL SANTOS -- Magandang araw po sa inyong lahat. It is nice to be back again. Home sweet home!

Opo, kay sarap talaga na bumalik sa Pilipinas lalong lalo na kapag nag-uuwi tayo ng magagandang pasalubong.

Masayang-masaya ako dahil sa mainit na pagsalubong sa akin ng aking mga kababayan na kasing-sabik ko ring makita at mabati ng isang magandang araw.

Maghapon po kaming nagparada sa Kamaynilaan noong Martes at napakasarap ang feeling na makita ang kasayahan sa bawat bata, matanda, babae at lalaki.

Bakas sa mukha ng bawat isa ang saya at pag-asa at ang pagiging proud na lahat tayo ay Pilipino na nagkakaisa.

Hindi ko na pinagtutuunan-pansin ang mga taong ang tanging hanap lamang ay ang pagkakamali ng tao.

Lalung-lalo na, hindi ko na binibigyan ng halaga ang mga taong ang utak-talangka, na gusto lamang ay hilahin pababa ang mga taong nakakaangat sa buhay.

Masisira lang ang araw kung ganyan ang aatupagin.

Habang sinusulat ko itong kolum na ito, katatapos lang namin na magparada sa aking pinakamamahal na General Santos City at ang aking mga kanayon ay malugod na naghintay sa aking pagdating kahit na mainit ang sikat ng araw. Mahirap man din para sa akin na gampanan ang maghapong nagpaparada at nakikipag-kamay sa maraming tao, napapawi ang aking pagod kapag nakikita ko ang lahat na masaya, sumisigaw at kumakaway. Kayo pong lahat ang dahilan kung bakit ako ay nagtatagumpay, dahil kayo ang aking inspirasyon at pinagmumulan ng lakas ng loob.

Ngayon pa lang po unti-unting sumasagi sa aking gunita na tangan ko ang isang mabigat na korona bilang kampeon at hari muli ng mundo. Gaya po ng sabi nila, ang taong nakasuot ng korona ay may matinding responsibilidad na kinahaharap. Mas lalong bumigat ang pasanin ko sa aking balikat dahil ako na ang may hawak ng WBC super-featherweight title at ang Ring Magazine "People's Champion" belt.

Dahil po sa inyo, mas lalo kong pagbubutihin ang paghahanda sa susunod kong laban. Dahil sa inyo, tinalikuran ko na ang mga bisyo na walang idinudulot na maganda sa katawan at sa pag-iisip. Dahil sa inyo, ipagpapatuloy ko ang paghahanap at pag-asam ng mas matatayog na pangarap sa buhay. Kasama kayo sa lahat ng aking minimithi. Salamat sa inyong mga pagbati, suporta at panalangin.

Salamat sa aking pamilya, sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa Diyos dahil hindi naman ako lubhang nasaktan sa laban. Ipagpapatuloy natin ang laban.

I will continue to fight for the Filipino people and by the end of April, I will try to be back and train in the gym in Los Angeles, possibly for a fight against WBC lightweight champion David Diaz. Opo, aakyat ako ng timbang at susubukan kong magwagi ulit laban sa mas malalaking katunggali at mas matinding paligsahan.

Sana, nandiyan pa rin kayo sa aking tabi sa susunod na laban. Maraming salamat po ulit.

Hanggang sa susunod na Kumbinasyon. God bless us all.



This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025