
DO YOUR BEST AND GOD WILL DO THE REST
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 06 Mar 2008

LOS ANGELES --- I just want to greet everyone a very pleasant day. Sana nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa ninyo ang kolum ko.
Katatapos lang po namin mag-spar ng walong rounds at heto, habang nagpapahinga ako ay tinatapos ko itong kolum na ito upang ako mismo ang magbalita sa inyo kung ano ang nasa puso ko at kung ano ang nararamdaman ko mga sampung araw na lang ang nalalabi.
I am really excited to fight the world champion, Juan Manuel Marquez and I want nothing less than a victory on March 15 (March 16 ng tanghali diyan sa Pilipinas). I have prepared very hard for this fight and I am sure this will be a good fight.
Papababa na po ang dami ng rounds ng insayo namin dahil papalapit na ang laban. Nalampasan ko na po ang pinakamahirap na yugto ng aking training at sa ngayon, ako naman ay naghahanda sa mental at spiritual part ng laban.
Nagsisimula na pong magdatingan ang aking mga pamilya, kaibigan at mga fans at ako po ay lubos na natutuwa dahil isang malaking pagtitipon na naman ng mga Filipino ang magaganap sa Las Vegas at sa buong mundo.
Natutuwa po ako sa mga kwento ng aking mga kaibigan at mga kababayan, sa ligaya na naidudulot ng aking mga laban sa inyo, ang aking mga tiga-suporta at tiga-sigaw na ang kapwa ninyo Pilipino ay nagwawagi sa ibabaw ng ring. Masaya ako na itaas ang kamay ninyo, kasabay ng pagtaas ng referee sa aking mga kamay kapag nananalo tayong lahat.
Natutuwa po ako kapag nagkakasama-sama ang buong pamilya sa pagnood ng aking mga laban. Tumataba ang aking puso kapag si lola ay nagluluto ng paboritong pagkain ng kaniyang angkan habang ang mga anak at mga kamag-anak ay nagkakabuklod-buklod muli. Huwag lang po ninyo sosobrahan ang pag-inom at huwag ubusin ang pulutan kaagad.
Sa ngayon po ay maligaya ako sa training at masaya pa rin ang grupo at coaching staff ko. Sinasabi man ni coach Freddie na ako ay mananalo ng knockout laban kay Marquez, ang masasabi ko naman ay gagawin ko lang lahat ng aking makakaya at si Lord na ang bahala sa akin, kasama na rin ang inyong mga dasal na lubos kong pinagpapasalamatan.
Para sa mga nakakakilala sa akin, hindi po ako nagbibigay ng prediction para sa bawat laban ko. Basta ako, ibinubuhos ko lahat ng aking makakaya sa training at sa araw ng laban, handa ako sa anumang pwedeng ibato ng kalaban. Sabi nga nila, ?Do your best and God will do the rest.? Sa araw ng laban, ipinapaubaya ko sa Diyos ang lahat at wala akong kaduda-duda sa mga biyayang ibinibigay niya sa akin.
Habang papalapit ang laban, mas lalo akong nananabik na makasagupa si Marquez. Dito po sa training camp ko ngayon, bahay-gym-kain-tulog lang ang aking inaatupag. Kung minsan, nagkakasayahan pa kami dito sa pagkanta at pagtugtog ng gitara, pag-surf sa computer at kung hindi pa ninyo napapanood iyong mga mini-concert ko sa ?Youtube,? itanong na lang ninyo sa inyong mga kaibigan kung papaano ninyo mapapanood. At ngayon, medyo naaaliw ako sa paglalaro ng darts kasama ang aking mga kaibigan at napapansin ko na naka-focus na ang aking pag-iisip dahil maganda ang asinta ko sa bull?s eye.
Inaalay ko ang laban na ito sa inyong lahat. Sana, sa pamamagitan at sa gitna ng aking tagumpay, magkaisa ulit tayong lahat para sa ikauunlad nating lahat.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. Proud to be a Filipino.
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ancajas awaits call to join card
By Joaquin Henson, Tue, 24 Jun 2025Macado fights Dulayba in Venue 88
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Jun 2025“Showtime” Shea Willcox & Rich Allen turned in KO Performances
Tue, 24 Jun 2025Undefeated prospect Marco Romero To be showcased on Deontay Wilder PPV card this Friday night in Wichita
Tue, 24 Jun 2025Toro Promotions. Inc. to promote its First International pro boxing show in El Salvador on September 20th
Tue, 24 Jun 2025Oklahoma Completes Dream Season; Whips Indiana in Game 7, 103-91 for First NBA Title in Thunder Era
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Jun 2025Japanese Boxer Jin Sasaki Suffers Memory Loss Following Brutal Knockout in WBO Title Fight
By Gabriel F. Cordero, Mon, 23 Jun 2025Toshihiko Era Becomes WBF Asia Champion at Age 50
By Carlos Costa, Mon, 23 Jun 2025Ador Torres, Renato Cha, Lemuel De Barbo and Ivan Ognayon Score KO Wins in Thailand
By Carlos Costa, Mon, 23 Jun 20252025 USA Boxing Junior Olympics and Summer Festival Concludes with Junior, Youth and Elite Championships
Mon, 23 Jun 2025Second Stage of the WBC Boxing Grand Prix Concludes with Great Success: Heavyweight and Featherweight
By Gabriel F. Cordero, Sun, 22 Jun 2025Miel Ticket: Vito Mielnicki Jr. Shuts Out Kamil Gardzielik
Sun, 22 Jun 2025WBC Grand Prix super lightweight results from Riyadh
By Gabriel F. Cordero, Sun, 22 Jun 2025Francisco Rodriguez Jr. Stuns Galal Yafai in Birmingham, Secures Interim WBC Flyweight Title
By Dong Secuya, Sun, 22 Jun 2025Jesse 'The Little Giant' Espinas Crowned WBC Asia Super Flyweight Champion in Exciting Knockout Victory in China
By Carlos Costa, Sun, 22 Jun 2025