
KONTING TIIS NA LANG
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 02 Mar 2008
LOS ANGELES -- Hello everyone, I hope everything is fine. If you are going to ask me how I am feeling and what is going on with my training, I would like to let everyone know that I am doing very well.
Umabot na po ako sa pinakamahirap na yugto ng aking training at gusto ko lang na ipaalam sa lahat na nalampasan ko na ang mga matitinding pagsubok na nasa harapan ko. Masaya po ang aking coaching staff na binubuo ni Freddie Roach, Buboy Fernandez at Nonoy Neri at ang conditioning coach ko na si Eric Brown sa ipinakita kong lakas, bilis at stamina. Konti pa, matatamo ko na ang isang perfect condition.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng ilang linggong paghahanda para sa laban namin ni Juan Manuel Marquez sa March 15, tinapos ko ang 12 rounds ng sparring kontra sa tatlong boxer na naghalinhinan.
Noong Martes at Huwebes, nag-spar ako ng tig-11 rounds. Nitong Sabado, limang rounds ang tinapos ni Rey Beltran, apat kay Juan Garcia at tatlo kay David Rodela. I felt good after sparring 12 rounds and I think I am peaking at the right time. I am training very hard for this match and I promise to give all boxing fans a very good fight. Kayo pong lahat ang aking inspirasyon.
Para sa laban na ito, ang paghahanda ko ay masasabi kong isa sa pinakamatindi sa lahat, kung hindi ito na ang pinakamatindi sa loob ng 13 taon ko na sa sport. Sa pagmamatyag ng aking team, binabantayan namin ang aking timbang at kundisyon para matiyak na nasa 100 percent ako sa araw ng laban.
Plano kong tapusin ang 130 hanggang 140 rounds ng sparring hanggang sa pababa na ako ng rounds ng sparring sa huling linggo ng training sa Las Vegas, gaya ng nakaugalian na namin.
Mahirap para sa isang boxer ang ma-over train kaya tinatantiya ko ang sarili kong kakayahan at lakas para hindi ako mag-peak na maaga.
Excited na po ako kahit na mahirap pa rin ang aking tatahaking landas sa susunod na dalawang linggo ng training. Kayo pong lahat ang dahilan kung bakit halos pinapatay ko ang sarili ko sa insayo. Ito po ang palagi kong sinasabi sa lahat ng mga boksingero na gustong sumunod sa aking mga yapak: Na kapag handa ka sa laban, wala kang kinakatakutan. Kapag matibay ang iyong katawan at pag-iisip at may pananalig ka sa Diyos, mas madali ang pagtamo ng tagumpay.
Minsan ko na naman pong hihingin ang inyong panalangin para sa ikatatagumpay nating lahat. Konting tiis na lang, konting sakripisyo pa. Sana po, mapanood ninyo ang aking laban dahil ibibigay ko po ang lahat ng aking makakaya, ibubuhos ko ang lahat ng aking lakas para lamang pag-isahin kahit na sa isang sandali ang ating bayan na unti-unti na namang nagkakawatak-watak. Sana po, magkaisa tayong lahat sa pagsulong, hindi sa pagsira ng ating ekonomiya.
Hanggang sa muli, sa susunod na Kumbinayon! God bless us all.
***
Para po sa mga taong hindi naniniwala na ako ang nagsusulat ng kolum na ito, mag-email lang po kayo sa mannypacquiao@abante-tonite.com.
This article is also available at Abante Online.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025