Mobile Home | Desktop Version




Tuloy Ang Ensayo Kahit May Ubo

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 03 Feb 2008

LOS ANGELES -- Magandang araw po sa inyong lahat!

Pagkatapos po ng pangalawang linggo ng paghahanda natin sa fight sa March 15 laban kay Juan Manuel Marquez, ako po ay tinamaan ng virus. Medyo inuubo ako pero tuloy pa rin ang ensayo umulan man o umaraw, ubod man ng lamig sa umaga.

Kahit na may ubo ako, pinipilit ko pa ring sumabak sa ensayo dahil mahalaga para sa akin na maipanalo itong laban na ito. Karangalan ng bansa at ng aking pamilya ang nakataya dito at gusto ko talagang wakasan na ang tablang decision na namagitan sa laban namin ni Marquez noong 2004.

Salamat sa aking butihing asawa na si Jinkee at nandito siya sa aking tabi palagi. Siya ang umaalalay at nag-aalaga sa akin sa umaga at gabi. Sa kanya ko nakukuha ang lakas na sumabak sa mga susunod pang araw ng training.

Salamat din kay Dr. Allan Recto sa pagbibigay niya sa akin ng kanyang ginintuang oras. Si Doc Allan, isa sa aking mabubuting kaibigan at fans sa matagal nang panahon, ay lumipad pa mula sa Laredo, Texas para ako ay bigyan ng lunas at mga gamot. Lahat din ng mga kasambahay ko ay binigyan ng flu shots.

Masaya ako dahil maraming tao ang nagmamalasakit sa akin. Isang tawag lang kay Doc Allan Recto, lumipad kaagad siya dito sa Los Angeles at iniwan ang kanyang clinic sa Texas, para tingnan ang kalagayan ko at ang sabi n?ya dala lang daw ng masamang panahon kaya ako inubo.

Kahapon, inumpisahan na namin ang apat na rounds ng sparring at maganda naman ang resulta. Mahaba pa ang laban, mga anim na linggo pa at maayos na ang training camp namin ni Coach Freddie Roach.

Itinuturing kong blessing itong pagdapo ng ubo. Minsan, nagkakasakit tayo kahit na hindi natin gusto. Minsan, kailangan natin marinig ang tinig ng Diyos na nagsasalita sa ating buhay. Minsan, binibigyan tayo ng mensahe na kailangan ding magpahinga o pangalagaan ang ating sarili. Importante na bigyan din ng sapat na oras ang ating katawan dahil hindi naman tayo mga makina. Kahit nga makina ay kailangan ding magpahinga.

Opo, si Manny Pacquiao ay tao lamang at dinadapuan din ng sakit at ubo pero mahalaga sa atin na huwag mawawalan ng pag-asa kapag dinapuan ng anumang karamdaman. Mahal tayo ng Diyos. Palagi siyang nasa ating tabi at tayo lamang ang nakakalimot sa Kanya. Marami ang nalulungkot at nawawalan ng pag-asa kapag dinapuan ng matinding karamdaman.

Isa lamang ang aking masasabi sa mga may karamdaman ngayon. Walang imposible kapag kayo ay tumawag sa pangalan ng mahal na Panginoon?

Ok po hanggang sa muling kumbinasyon. Manny Pacquiao, proud to be Pinoy.


This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025