
Bawi Na Lang Sa Susunod
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 16 Dec 2007
Nalungkot ako nang ibalita sa akin na nag-walkout daw ang boksingero natin na lumalaban sa Southeast Asian Games sa Thailand.
Ako bilang isa rin na boxer, alam ko ang naramdaman kapag dinaya sa laban. Pero sa umpisa lang ako magcomplain, pagkatapos ay tinatanggap ko ano man ang naging resulta sa laban ko. Kasi that is part of our life as athlete.
"Not good." Ito ang sabi ko nung tanungin ako sa ginawa na nilang walkout.
Kung natandaan n'yo, bago nagpunta sa Thailand ang RP boxers ay pinasyalan ko sila sa ABAP gym para bigyan ng moral support. Sinabi ko sa kanila, "laban hanggang kaya niyo, wag n'yo isipin ang kalaban, basta kung ano ang magawa nyo sa laban."
Hindi ko rin sila sinisi sa ginawa nila. Alam ko na may dahilan 'yun at naniwala ako, 'yung mga boxer gusto lumaban, kaya lang siyempre kailangan nila na sumunod sa mga opisyal, kung sa tingin ng mga opisyal na naagrabyado ang ating boksingero, kaya nagdecide sila mag-walkout.
Kung isipin lang natin, 'yong mga Thailander na boxer, hindi talaga sila manalo sa atin, kasi mas magaling tayong mga Filipino sa kanila.
May nagsabi naman sa akin, na hindi daw 'yong mga boksingero natin ang class A, kaya tinatalo ng Thailand.
Kahit hindi class A, pero kung nagtraining naman na mabuti, manalo pa rin.
Sa sinasabi na dinadaya ang mga boxer natin, siguro dapat mag-isip na ng paraan ang mga coach para maging superior tayo sa kanila.
Hindi naman puwede na lagi tayo mag-walkout kapag dinaya tayo. Marami paraan para makabawi tayo sa daya.
Tulad ko naglaban kami ni Juan Marquez, tatlong beses ko siya pinabagsak, pero tinabla ang laban namin. Wala ako nagawa, kasi tapos na ang laban at may desisyon na.
Kaya itong rematch namin this coming March 2008, dito ako makakabawi at gagawin ko lahat para hindi na mag-draw ang laban namin.
"Yon laban namin ni Erik Morales, tinalo niya ako sa una. Kaya nag-isip ako ng paraan para talunin ko siya, na ginawa ko noong naglaban kami na pangalawa. Pati na dun sa 3rd fight.
Ganyan dapat talaga, 'yung natapos na wag na natin isipin pa. Dapat 'yong future fights ang isipin natin.
Kaya sa mga boxer natin na lumaban sa Thailand, bawi na lang kayo sa sunod. Hanggang sa susunod na 'Kumbinasyon.' Mabuhay!
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025