
Balik-Eskuwela Po Ako
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 21 Oct 2007

Nandito ako ngayon sa GenSan para ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
Ang sarap pala ng maramdaman ng isang estudyante. Tulad po ng nabalitaan n'yo, balik-eskuwela po ako, sa Notre Dame of Dadiangas University po ako pumapasok.
Sa unang araw ko, medyo nangapa at ninerbiyos ako, kasi hindi naman ito tulad sa boksing.
Sa boksing, pagdating ko sa gym, alam ko agad ang gawin, mag-shadow box, skipping rope, speedball, susuntok sa heavy bag, punchmitt at esparing. Sa school kailangan gumawa ng homeworks, sumagot sa klase, ganun.
Nakaka-excite din. Kung sa boksing pag-akyat ko sa ring ako ang boss, dito sa paaralan, 'yung mga professor ang boss.
Bale nag-umpisa ang klase ko ng 8 a.m., matapos ng 5 p.m. hanggang matapos ang buwan ng October hanggang first week ng November, tuluy-tuloy 'yun. Kaya 'yung shooting sa pelikula medyo saka na muna, kapag natapos na ang klase ko.
Gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral. Ito ang isang bagay na hindi ko nagawa nong bata pa ako.
Pero hindi ko sinisi ang magulang ko, dahil alam ko nagsikap naman sila nu'n na mapag-aral ako, pati ang mga kapatid ko. Kaya lang kulang sila sa pera.
Kaya nga nagsikap ako sa boksing kasi gusto ko talaga makapag-aral uli, at heto nga pumapasok na ako at sikapin ko na makatapos.
***
Hindi lang si Edwin Valero at si Juan Diaz ang gusto akong makalaban. Ang balita ko pati si Joel Casamayor ay naghamon na rin.
Sa akin walang problema kung sino sunod ko makalaban, kasi boxer ako at trabaho ko na labanan kung sino ang itapat sa akin ng promoter, paghandaan ko 'yan.
Pero sabi ko nga wala pang malinaw kung sino ang sunod kong makalaban. Kapag pumirma na ako ng kontrata, 'yun na ang final. Siguro sa December pa 'yon, at malalaman n'yo naman dito sa kolum ko kapag plantsado na ang lahat.
Sa ngayon, talagang gusto ko munang mag-enjoy, hanggang sa birthday ko at pagkatapos saka ko harapin uli ang boksing.
By the way, suportahan po ninyo ang WBC Convention sa sunod na buwan na gagawin dito sa Pilipinas.
Ang MP Promotions po ang mag-promote ng boxing event para sa convention at kumpleto na po ang card na tatlong local title fights at isang non-title na kasali ang isang Japanese boxer.
Sa December din po mag-promote ang MP sa Cebu para naman po may pamasko ang mga boksingero natin. Idetalye ko sa inyo sa sunod na kolum, pati na ang iba pang promosyon ng MP.
Hanggang sa muling 'Kumbinasyon'. Mabuhay!
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025