Mobile Home | Desktop Version




My Little Princess

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 14 Oct 2007



Kumusta po kayong lahat? Ang sarap ng pakiramdam na natapos na rin ang paghihirap ko sa insayo. Pagtapos ng dalawang buwang pagpatay ko sa sarili sa gym, heto na ako at makapag-relax na. Muli po ang aking pasasalamat sa inyong mga dasal para ako po'y manalo. Para sa ating lahat po ang aking tagumpay.

Mula po nang ako'y dumating noong Huwebes ay busy na talaga ako. Marami po kasi akong naiwang komitmen bago pa ang laban namin ni Marco Antonio Barrera.

Gaya po ng mga nareport na sa diyaryo, radio at television, uuwi po muna ako sa GenSan para harapin ang aking mga magulang, kapatid, mga kaibigan at kababayan dun.

Pero sa araw na ito ng Linggo, nasa Cebu po ako para sa pagsimula ng basketball tournament doon. Sa mga Cebuano, kita-kita tayo dyan.

***

Tuwang-tuwa ako habang tinitingnan ang aking si Little Princess na nag-celebrate ng birthday noong Biyernes ng gabi sa Renaissance Hotel.

Nakita ko kung gaano kasaya si Princess, pati na sina Jimwel at Michael at ang lahat ng mga batang dumalo. Iba talaga ang kasiyahan ng mga bata.

Iniisip ko habang pinapanood ko sila, masusuwerte silang bata, dahil wala pa silang problema at nakaranas na sila ng kaunting luho, na hindi ko natikman noong ako ay bata pa.

Pero alam ko naman na gusto rin noon ng magulang ko na maging masagana ang buhay namin magkakapatid, kaya lang hindi sapat ang kanilang kinikita para makasustento sa amin.

Idea ng misis kong si Jinkee ang konsepto ng birthday party ni Princess at lahat ng dumalo ay nagsabing maganda ang naging bihis ng ballroom, na parang kastilyo ng tunay na prinsesa.

Sa mga dumalo at nakibahagi sa birthday ni Princess, maraming salamat, kahit hindi pa naintindihan ng anak ko 'yung party niya, alam kong paglaki niya ay matutuwa siyang makita ang mga pictures niya sa party na 'yon.


Manny at Jinkee sa 'birthday celebration' ni Princess.

Itaas: Princess Pacquiao.

***

May nagtanong sa akin kung ano raw masabi ko sa mga tumitira sa akin? Ang sagot ko, wala lang.

Ang masabi ko lang, 'yun mga tunay na nakakilala sa akin, alam nila kung ano ako, kung ano ako sa aking mga kaibigan.
Pero ganyan naman ang buhay, hindi lahat ng tao masiyahan sa mga ginagawa ko.

Pero, gawin ko pa rin ang obligasyon ko bilang atleta at 'yan ay ang mabigyan ng karangalan ang ating bansa. Hanggang sa muling 'Kumbinasyon.' Mabuhay.

This article is also available at Abante Online.


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025