
Maraming Salamat sa Suporta Ninyo
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 11 Oct 2007

LOS ANGELES -- Siguro po sa oras na binabasa ninyo ang kolum ko, nasa Pilipinas na ako. Kasi dapat talaga sa Friday (sa Manila) pa ako dadating, pero nabago ang schedule, kaya bigla kaming nag-impake para makauwi ng Martes (araw dito). Kaya sa Huwebes po ay magkikita-kita na tayo sa Pilipinas.
Nagpasalamat ako sa Panginoon sa ibinigay Niyang lakas at maraming-maraming salamat po uli sa aking mga kababayang sumuporta sa aking laban kay Marco Antonio Barrera. Hindi lang po sa Pilipinas, pati sa ibang bansa, sa Middle East, Saudi, kahit sa Afghanistan, Australia, Texas, Hong Kong at iba pa. Dahil sa suporta ninyo, nagtagumpay akong muli. Ang tagumpay ko ay tagumpay ng ating bansa.
***
Sa mga nagtanong kung nahirapan ba raw ako sa laban namin ni MAB. Ang masabi ko lang, nahirapan din ako, kasi may galing pa rin siya. Malakas din. Kaya po nag-ingat ako sa laban.
Doon sa mga fans na nagsabing bakit hindi ko ni-knockout si MAB, 'yon po kasing knockout kusa 'yon dumadating sa laban. Sa tulad ni MAB na kalaban, hindi ka puwedeng magkompiyansa, kailangang pag-aralan mong mabuti ang galaw sa ibabaw ng ring. Isang bagay po ang ipinakita ko sa laban namin, hindi tsamba ang panalo ko sa kanya noong 2003.
May nagtanong din kung totoo ba raw na nahilo ako nu'ng sinuntok niya ako sa 11th round.
Na-groge po ako, kasi nakababa ang aking kaliwang kamay, naduluhan ako. Hindi ko naman po akalain na susuntok pa siya kasi inawat na kami ng referee.
'Yon po ang gulang na sinabi ko bago kami naglaban. Pero kapag po naglalaban na kayo, minsan nakakalimutan na 'yong mga ganu'n. Hindi rin po totoo na sobra ako sa timbang nu'ng weigh-in. Sa unang tapak ko pa lang po sa timbangan, kuha ko na 'yung 130-lbs.
"Yun pong nabalita na sobra ako sa timbang bago ang weigh-in, pinapakaba ko lang ang mga kasama ko, pero ang totoo po ay kuha ko na talaga ang timbang.
***
Para sa susunod ko pong laban, wala pa akong masabi. Basta hintayin ko lang kung sino ang sunod na Mexicano na hahamon sa akin.
Sa pagbalik ko po sa Pilipinas, kalimutan ko muna ang boksing. Tapusin ko po 'yung pelikula kong "Anak ng Kumander."
Asikasuhin ko rin po 'yung paboksing ng MP Promotions para sa WBC Convention, pati na 'yong Manny Pacquiao 9-Ball tournament. Busy talaga ako sa pagbalik ko sa Pilipinas.
Pero 'wag po kayong mag-aalala, kasi kapag po may schedule akong laban, hindi ko po pabayaan ang insayo ko. Hanggang sa muli kong "Kumbinasyon". Mabuhay!
This article is also available at Abante Online.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025