
'Excited' Na Rin Ako
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Mon, 01 Oct 2007
LOS ANGELES -- Dalawang buwan mula ngayon ay magkakaroon tayo ng malaking sporting event, ang WBC convention. At ito ay dadaluhan ng napakaraming mga bisita na manggaling pa sa iba?t ibang bansa. Masuwerte tayo at marami mga foreigners na bumisita sa atin at ito na siguro ang pagkakataon na maipakita at mapatunayan natin na hindi totoo ang ibang lumabas na balitang hindi maganda para sa ating mga Pilipino at sa ating bansa.
Magkakaroon tayo ng iba?t ibang mga event, kasama na ang poker tournament na lalahukan ng mga sikat na tao dito sa Pilipinas at syempre hindi mawala ang boxing event, may championship fights at marami pang iba.
Mananatili ang ating mga bisita sa Pilipinas nang isang linggo.
Ang naturang event ay pamumunuan naman ng mga officials ng Games and Amusements Board, kasama na ang MP Promotions na siyang magpromote ng boxing event. Matagal-tagal naring panahon na hindi naganap sa Pilipinas ang WBC convention, kaya talagang maswerte tayo na maganap ito muli sa ating bansa.
***
Update naman sa aking nalalapit na laban. Handang-handa na po ako at pupunta ang Team Pacquiao sa Las Vegas bukas (Lunes) at doon ko na po ipagpapatuloy at tatapusin ang aking ensayo. Kaya nga po excited na rin ako sa aking nalalapit na laban.
H?wag n?yo pong kalimutang panoorin itong napakagandang laban namin ni Marco Antonio Barrera at sana ipagdasal n?yo rin po ako para manalo sa laban at makapagdala na naman ako ng karangalan sa ating bansa.
Natutuwa rin po ako sa dami ng mga nagbabasa ng aking kolum. Hanggang sa muling ?Kumbinasyon.? God Bless.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025