
'Di Pa Natin Alam Ang Mangyayari
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 27 Sep 2007

LOS ANGELES --- Mga kababayan ko malapit na ang laban namin ni Marco Antonio Barrera. At marami na rin ang may haka-haka na si MAB ang mananalo sa laban. Mayron naman nagsasabi, ako ang mananalo. Hindi pa natin alam kung ano talaga ang mangyayari, dahil hindi pa naganap ang laban. Lahat 'yan ay atin pang aabangan.
Pero hindi natin masisi ang mga nagbigay ng kani-kanilang mga opinion, para sa akin ang mahalaga ay mabigyan ng kasiyahan ang aking mga kababayan at maitaas ko ang bandila ng Pilipinas at sa tuwing ako'y lalaban ay nakikita ko ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino ay lalo akong ginaganahan. At kahit na araw-araw ay lalaban ako para sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Hindi ko naman sinasabi na idolohin ako ng lahat ng mga tao, ang sa'kin lang naman po ay masaya ako na makita na nagkakaisa at nagkakasundo ang aking mga kababayan. Nalulungkot po ako sa tuwing nag-aaway at nagkakagulo ang mga kababayan ko.
Huminahon po tayong lahat at h'wag po nating kalimutan ang pagmamahal sa ating puso sana po magkaisa na tayo.
***
Kung napapansin n'yo po, marami akong ginagawa, nag-aaral po akong magsulat tulad nitong "Kumbinasyon," at saka halos lahat ng sports ay gusto kong matutunan. 'Yan po ay nais kong ipadama at ipakita para makapagbigay ako ng inspirasyon at pag-asa sa lahat, na kaya natin basta magsikap lang tayo. Dito sa "Kumbinasyon" ko ay maipadadama ko sa inyo ang aking mga pinagdaanan para makarating ako sa tagumpay.
Anyway, marami na ang mga nag-email at nagbigay ng suporta sa akin sa tuwing lalabas ang aking artikulo, karamihan ay mga overseas workers, maraming salamat po sa lahat ng suporta at sa pagbabasa n'yo sa "Kumbinasyon." #
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025