
Sa Mga Taga-Cebu, Salamat sa Inyo
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 23 Sep 2007
Sa oras na binabasa n'yo ang "Kumbinasyon" siguro po ay kakalapag pa lang namin sa Los Angeles, California. Opo, nasa LA na ako at kagabi kami umalis nina coach Freddie (Roach) at Buboy (Fernandez).
Ako'y nagpapasalamat sa lahat ng mga taga-Cebu sa binigay na suporta sa akin sa isang buwang training ko. Salamat sa RWS Gym International, sa pagpapagamit sa akin, sa Salud family sa pag-alaga sa Team Pacquiao at walang sawa po akong nagpapasalamat sa kabaitan ng mga kababayan kong taga-Cebu at sa lahat ng sumusuportang fans, na pumunta pa sa Cebu para makita ang training ko, pati na 'yong galing sa Manila. Saludo ako sa kabaitang ipinakita sa amin ng mga Cebuano, marami pong salamat. Lalung-lalo na sa Mahal na Panginoon, sa binigay niyang lakas sa araw-araw na nag-ensayo ako hanggang ngayon.
***
Si Manny Pacquiao habang nag-eensayo sa Cebu IT Park kamakailan.
Alam kong marami ng excited sa darating kong laban ngayong October 6. Sana po ay ipagdasal ninyo, hindi lamang ako, pati ang mga kasama ko, para maipanalo ang laban na ito.
Hindi po ako nangangako, pero gagawin ko po ang lahat para mabigyan ko kayo ng kasiyahan at makapagdala na naman ako ng karangalan sa ating bansang Pilipinas. Masaya po ako na sa tuwing ako ay lalaban ay nagkakaisa po tayong lahat.
Pero, gaya ng nabanggit ko sa huli kong kolum, ang tungkol sa isang attorney at isang writer na nagbabangayan. Marami na rin akong nabasa sa internet tungkol sa paghahamunan ng dalawa.
Ang masabi ko lang, tigilan n'yo na ang walang kuwentang bangayan at hindi maganda tingnan sa nakararami.
Iba na lang ang pag-usapan n'yo, sports na lang. At wag naman sana sasama ang loob nila, dahil ang sa akin ay paalala lamang, habang hindi pa lumaki ang bangayan niyong dalawa, kailangang putulin na. Mahalaga dito sa mundo ang relasyon natin sa Lord at sa kapwa, kaya magmahalan tayong lahat, para lagi tayong masaya at hindi tayo madaling tatanda.
Ooopps, may kasabihan tayo, bato-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit.
Hanggang sa muli kong "Kumbinasyon." Mabuhay po tayong lahat!
This can also be read at Abante Online.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025