
TULOY PO ANG LABAN
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 20 Sep 2007
Nakailang labas na ako ng kolum, pero mayroon pa ring hindi naniniwala na ako mismo ang nagsusulat. At wala pong nagdidikta sa 'kin, galing po sa aking puso at isip ang aking mga sinusulat. Lagi po akong nagdarasal sa mahal na Panginoon, takot akong magsinungaling, alam ng nasa Itaas na ako talaga ang nag-iisip ng mga isinusulat ko. Kaya sana, wag naman pong pagdudahan na hindi ako ang nagsusulat.
Anyway, ako'y nalulungkot sapagkat kamakailan lang ay pumanaw ang aking dating trainer na si Leonardo Pablo o Tatay Ambo. Malaki po ang naitulong ng taong ito sa akin dahil siya po ang nag-alaga sa akin noong ako ay nag-uumpisa pa lang sa pro boxing. Kaya ipagdasal po natin ang kanyang kaluluwa na sa mga oras na ito ay nasa piling na ng Maylikha. Nakikiramay po ako sa pamilyang naulila ni Tatay Ambo.
***
Isa pang gusto kong linawin ang lumabas sa mga pahayagan, na ako raw ay hindi matutuloy lumaban sa October 6.
'Yan ay walang katotohanan at ako'y nagulat nung lumabas ang balita, dahil nandito ako sa Cebu, nagku-concentrate sa training at sa fight.
Si Manny Pacquiao (kanan) at ang marathoner na si Adonis Singson (kaliwa) ay nangunguna sa pagtakbo nang nag-jogging noong Martes sa Alta Vista Golf Course and Subdivision. Nasa likuran sina David Rodela (kaliwa), Raymundo Beltran at Bobby Pacquiao.
Masaya po ako sa aking premyo para sa darating na laban at wala pong dahilan para hindi ako lalaban. Tuloy po ang laban.
Kaya doon sa mga ibang mga nagsusulat, kailangang alamin mabuti kung totoo ba ang mga balita na kanilang isusulat, dahil hindi biro ang pagiging isang writer o reporter, nagbabasa ang mga tao dahil gusto nilang malaman ang katotohanan, kaya't dapat lang na laging totoo ang mga isinusulat.
Tulad na lang ng writer na si Mike Marley, nagsusulat s'ya na hindi naman totoo. Hindi man lang n'ya kinumpirma kung totoo ba 'yung balita na kanyang sinulat. Sana sa susunod, alamin ng mabuti kung ito'y totoo, hindi yung para may maisulat lang ok na, para bigyan ng pansin ng marami hindi tama 'yan, pangit tingnan sa mga tao.
***
May isang attorney at isang writer din ang nagbabangayan. Siguro dapat ay tigilan n'yo na 'yan, pangit masyado sa mata ng mga tao na kayo'y nag-aaway. Dapat ay pagmamahal para sa kapwa at sa isa't isa ang gawin ninyo, dahil pareho naman kayong may pinag-aralan.
Hanggang sa muli kong "Kumbinasyon." Mabuhay!
This article can also be read at Abante Online.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025