Mobile Home | Desktop Version




Hangad Ko Ang Kayo'y Mapasaya

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sat, 15 Sep 2007

Kumusta mga kababayan ko? Update ng training ko, ang tindi ng ensayo namin araw-araw, tumatakbo ako sa umaga sa bundok kapag walang sparring at nag-iinsayo ako ng 26 rounds everyday, bukod pa sa nag-iisparring ako every other day, 10 rounds lagi. Kaya ang tindi at mainit pa masyado dito sa Pilipinas, kaya talagang nakakadagdag ng stamina, kaya h'wag po kayong mag-alala, talagang pinagsisikapan ko na mapasaya ko kayong lahat at mabigyan ko kayo ng kasiyahan.


Manny Pacquiao (kaliwa) ay nag-isparing laban kay Aaron Melgarejo sa loob ng RWS Gym sa Cebu City.

Sa mga nakakabasa ng kolum ko, maraming salamat po. Lalung-lalo na 'yong mga kababayan nating overseas workers na sumusubaybay sa aking "Kumbinasyon." 'Yung overseas workers natin sa Saudi, Afghanistan, Bahrain, pati na sa Houston,maraming salamat po sa inyong suporta, nakakataba ng puso 'yung inyong mensahe.

Lagi lang kayong mag-ingat, dahil kayo man ay inspirasyon ng ating mga kababayan.

***

Hindi lahat ng tao ay mahilig sa boxing, kaya sa lahat ng mahilig sa billiard ay humanda na kayo. Mag-practice na mabuti, dahil ngayong October 24 to 27 ay may malaking tournament na gaganapin dito sa Pilipinas, "3rd Manny Pacquiao Int'l 9-Ball Open," kasamang lalahok sina Django Bustamante, Efren ''Bata'' Reyes, Ronnie Alcano, Lee Van Corteza, Alex Pagulayan, Bebeng Gallego, Gaga Gabica, Boy "Samson" Luat, Dennis Orcollo at marami pa tayong mga magagaling na pinoy na sasali sa tournament.

At hindi lang 'yan, marami ring mga players na galing sa iba't ibang bansa ang lalahok. Kaya pagkakataon na ito ng ating mga Pilipinong manlalaro na ipakita ang kanilang galing, dahil ito ay ipapalabas sa telebisyon sa pamamagitan ng Solar Sports.

***

Tulad ninyo, napanood ko ang naging hatol ng Sandiganbayan sa dating pangulo ng Pilipinas na si Joseph Estrada at alam ko na marami sa ating mga kababayan ang nalungkot sa naging hatol. Nararamdaman ko ang lungkot ng mga taga-suporta ng dating Pangulong Erap. Gayunpaman ay kailangan nating igalang at respituhin ang naging disisyon ng Sandigan. Kailangan siguro natin ngayon ay mag-move on at kalimutan na natin ang mga nakaraan at ang harapin natin ay ang ating magandang bukas. Kaya sana magkaisa na tayong lahat mga kababayan ko, magmahalan tayong lahat para sa ikauunlad ng ating bansa.

At bago ako matapos, sa sunod na kolum ko po talakayin 'yong rumor na mag-back-out ako sa laban kay Barrera.

Hanggang sa muling "Kumbinasyon" mga kababayan ko, mabuhay tayong lahat.

This article is also available at Abante Online.


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025