
Madaling Pumasok, Mahirap Lumabas
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Wed, 12 Sep 2007
Kamakailan lang ay may pumuna na naman sa kolum ko, hindi daw ako ang nagsusulat nito. Kung napanood n’yo sana sa ABS-CBN, nang maabutan ako ng reporter nila habang nagsusulat, inilabas iyon sa balita. Hindi pa ba sapat ‘yun?
Anyway, maniwala man sila o hindi, basta sa bawat kolum na isinusulat ko ay alam kong nakapagbigay ako ng inspirasyon at aral sa aking kapwa.
By the way, sa laban namin ni Marco Antonio Barerra ngayong October 6, ay may tatlo pang boksingerong lalaban, na pwede rin nating ipagmalaki at nakikita natin na makapagbigay ng karangalan sa ating bansa, sila Michael Parenas, Glenn Gonzales at Jundy Maraon. Paki-abangan n'yo ang tatlong ‘yan dahil nakikita ko na malaki at malayo pa ang mararating ng mga boksingerong ito.
Malaki talaga ang maidulot sa mga atleta kung ang nag-aalaga sa kanila ay todo-suporta. Katulad nang aking ginagawa at hinahangaan ko ang ating mga atleta, dahil ipinapakita nila na ang mga Pinoy ay matitibay at matatapang sa larangan ng
sports. Kaya lagi tayong taas-noo kahit saan mang lupalop ng mundo tayo magpunta ay proud tayo.
***
Ang hindi naman magandang balita ay kapag ang ibang atleta ay gumagawa ng hindi magaganda. Tulad na lang ng isang boksingerong nakapatay at pinaghahanap ngayon ng batas na si Rustico Torrecampo. Hindi ito magandang halimbawa sa ating lahat.
Mayroon din dati, si Renato Mendones, na nangholdap naman at nakipagbarilan sa mga pulis at namatay.
Pareho kong nakalaban si Torrecampo at Mendones. Si Torrecampo ang siya pa ngang unang tumalo sa akin sa boksing.
Dapat ay sumuko na siya at pagbayaran ang kanyang kasalanan para hindi na lumaki pa. Pagsisihan niya ang kanyang ginawa.
Madali lang pumasok sa gulo, pero mahirap lumabas. Kaya dapat hangga’t kayang umiwas ay iwasan natin ang gulo. At huwag kalimutan magdasal sa Mahal na Panginoon.
Hanggang sa muli.
This article is also available at Abante Online.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025