
'Wag Iangat Ang Paa Sa Lupa
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 02 Sep 2007

Katulad ninyo, ako man ay nag-uobserba din sa mga pangyayari sa boksing.
Sa loob ng higit na dalawang buwan, malaking tagumpay ang naibigay ng mga Pilipinong boksingero at nakapag-uwi sila ng karangalan sa ating bansa.
Ang buong sambayanan ay lubos na nagalak, lalu na nung kanilang nabalitaan na sa loob ng isang araw ay nagkamit tayo ng dalawang titulo mula kay Florante Condes at Nonito Donaire sa magkaibang lugar.
Isa pa sa ating ikinagalak ay ang pagkapanalo natin sa World Cup of boxing. Sa magandang ipinakita ng Team Philippines na ang score ay 5-1 mula sa panalo nina Pe?alosa, Gorres, Banal, Gabi at Domingo.
Kahanga-hanga ang mga pangyayari dahil sa loob lang ng maikling panahon, tayo'y naging matagumpay.
Ngunit sa kabila nitong tagumpay ay mayroon din 'di inaasahang pangyayari na may nabigo. Kagaya ng isang boksingerong lumaban at natalo. 'Yan ay kasama sa larangan ng kompetisyon at dito natin masusukat kung gaano natin kamahal ang ating trabaho o profession at pangarap na magtagumpay.
Kung minsan ang isang taong natupad na ang pangarap ay kasabay din ang pag-angat ng paa nito sa lupa. Ang ibig kong sabihin, kung tayo'y nagtagumpay na, dapat ay nakatapak pa rin ang mga paa sa lupa.
Kapag naman natalo, 'wag susuko. Ang pagkatalo ay hindi dahilan para sumuko ka o mawalan ng pag-asa, ito'y nagpapaalala sa'tin na 'wag tayong magbago sa sarili natin, lalung-lalo na sa pakikitungo sa Mahal na Panginoon at sa mga tao.
Hindi dapat nagbabago ang ugali, tagumpay man o bigo, how to approach the people who love you, especially your fans ika nga nila, 'with great power comes a great responsibility.' Kaming mga boksingero, pati ang iba pang atleta ay may responsilibidad sa kapwa.
At isang magandang halimbawa si Gerry Pe?alosa, na kahit na marami ang nagsasabing laos na s'ya at dapat magretiro na, pero hindi s'ya nawalan ng pag-asa.
Hangang-hanga ako sa mga taong ganyan. Lagi lang nating tandaan na walang imposible sa Mahal na Panginoon, basta magsikap lang tayo. At laging tandaan, kung walang Panginoon, wala din tayo sa mundo.
Malaki pa ang magawa ng ating mga atleta, lalung-lalo na sa larangan ng boxing.
At dun sa mga magpuna sa article na ito, totoo lang ang mga nasabi ko, tanggapin natin, dahil galing ito sa puso.
Hanggang sa muli.
Filipino boxing superstar Manny Pacquiao has started writing articles which he contribute to Abante and PhilBoxing.com. This story is also available at the Tagalog-based news website Abante.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025