
"KUMBINASYON"
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 30 Aug 2007
Kumusta na mga kababayan ko?
Siguro’y maraming nagtatanong kung ano na ang kalagayan ko at pakiramdam ko matapos akong matalo sa election, ‘wag po kayong mag-alala sa ‘kin, dahil tanggap ko naman at charge-to-experience ‘ika nga ng marami. At eto ako ngayon, nagkukunsentret sa pag-iinsayo para sa karangalan ng ating bansa.
Ang masasabi ko lang siguro sa lahat ng mga atleta, hindi lamang sa larangan ng boxing kundi ang tinutukoy ko ay para sa lahat ng mga manlalaro, ‘wag silang umasa sa tulong ng iba, bagkus ay umasa sila sa sarili nilang kakayahan at lagi nilang isipin na ang bawat pangarap ay maaaring makamtan, kung ikaw ay handa sa tatlong aspeto na ito, pisikal, mental at higit sa lahat ay ang SPIRITUAL.
Sapagkat ako’y naniniwala dahil na rin sa aking karanasan at tagumpay na tinamo na tanging Siya lamang ang may bigay at ito’y dapat na pahalagahan ng bawat atleta o sinumang tao. At ang bawat isa kung may takot o pag-aalinlangan sa sarili ay maaaring hindi magtagumpay sa kanyang mga hangarin o pangarap.
Dapat laging isipin ng bawat atleta, na malaki ang tungkulin hindi lamang sa sarili, kundi pati na rin sa bayan at sa kapwa-tao. Madalas na nangyayari sa bawat atletang natatalo ay ang lagi nating naririnig na ang sinisisi kung hindi ang kanilang mga manager ay ang gobyerno. Ang hindi nila alam ay may pagkukulang sila sa sarili nila gaya ng tatlong aspeto na nabanggit ko kaya hindi sila nagtagumpay.
Kung talagang iisipin at isasapuso ng isang atleta kung ano ang kahulugan at halaga ng salitang pangarap ay napakalaki ng iyong tungkulin na dapat gampanan, hindi lamang sa sarili kundi sa mata ng Diyos at sa mata ng tao.
Marami na ring mga atletang nagtagumpay na dapat nating tularan at gawing isang halimbawa sa ating mga pangarap, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. At may isa akong natutunan, na kahit anong layo ang ating marating ay ‘wag tayong makalimot lumingon sa ating pinanggalingan.
Hanggang sa muli.
Manny Pacquiao.
Filipino boxing superstar Manny Pacquiao has started writing boxing articles, which he intends to contribute to Abante. This is his maiden story which will come out tomorrow in Abante.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025