
REPORTER NA WALANG DECORUM
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 25 Mar 2015
LOS ANGELES, Cal. ? Noong Linggo, araw ng pahinga ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ay dapat sanang kapiling niya ang kanyang kabiyak na si Sarangani Vice Gov. Jinkee at lima nilang anak ? Jimwell, Michael, Princess, Queenie at ang bunsong si Baby Israel. Kararatig lang ng pamilya ni Manny noong Biyernes at natural na sabik na sabik ang mga anak niya na mayakap siya sa lahat ng sandali, lalo na yung dalawang babae.
Well, nagkasama naman sila sa church services na kanilang dinaluhan sa Westside Sheperd Church sa lunsod na ito. Pagkatapos ng religious ceremony ay inalayan ni Manny ng isang lunch ang pamilya, iba pang kamag-anak, ilang kaibigan at miyembro ng media sa paborito niyang Kabuki Japanese Restaurant sa kanto ng Vine St. at Sunset Blvd. Malapit ito sa Wild Card Gym kung saan ay nagtayo ang Team Pacquiao ng training camp.
Dapat sana?y magkakasama ang buong pamilya sa isang mesa, pero hindi ito nangyari sa dahilang ang dalawang kinatawan ng magkaribal na higanteng istasyon ng telebisyon ? GMA-7 at ABS-CBN ? ay inukopa ang upuang nakalaan sana para sa mga anak nina Manny at Jinkee. Kung gaano tumagal ang tanghalian ay ganun din katagal na nanatili ang dalawang kinatawan ng dalawang istasyon ng tv. Yung isa ay masahol pa kay Jinkee ang pagkaka-dikit sa tabi ni Pacman. Yung isa naman ay nasa upuang katabi rin ni World Boxing Organization welterweight champion, pero nasa gitna nila si Vice Gov.
Bagamat nakakasalisi paminsan-minsan sina Princess at Queenie na payakap-yakap at kumandong kay Manny sa kasabikan dahil sa tagal nilang di nagkikita, sina Jimwell at Michael ay unabes na hindi man lamang nakalapit sa ama. Kinaringgan nga tuloy ang isa sa kanila na nagre-reklamo na hindi man lang nila nalapitan ang kanilang Daddy. Mabuti na lamang at nag-i-isa ang SALA SA INIT ? na nagko-kober sa training ni Manny tungo sa nalalapit na laban niya sa World Boxing Council/World Boxing Association 147-pound titleholder na si Floyd Mayweather. Kung kaya?t wala naming nagpilit na makapag-interview rin.
Kung nagkataong marami ang kumokober na Manila-based media men, baka nagkaroon ng kaguluhan ang piging. Tutoong unethical ang ginawa ng dalawang babaeng reporter pero hindi na nagpilit ang SALA SA INIT ? na makihalo sa panayam. Nakita tuloy ng di iilang panauhin ang pagkakaiba ng mga kinatawan ng print at broadcast media. Kami sa print media, nakakainindi pa rin kami ng tinagtawag na decorum. Ng urbanidad na kapag naunahan kang makapag-interbyu, maghintay ka ng oras mo. Pero sa mga oras na iyon, walang nagging pagkakataon ang reporter na ito na malapitan man lamang ang mag-asawa. Talagang binabaran ng dalawang broadcast journalist ang mag-asawa. Hindi na nga yata umihi.
Hindi lamang naman ang paangyaring iyon ang nangyari sa mahigit na tatlong linggong nandito sa L.A. ang Team Pacquiao. Malimit habang nagro-roadwork sa madaling-araw, ang isa sa mga reporter na ito ay sumisingit sa hanay ng mga tumatakbong kasabay ni Manny. Makikitakbo rin at idudoldol ang mike sa mukha ni Manny at habang tumatakbo ay magi-interbyu habang ang kameraman niya y nasa unahan ng hanay at tumatakbo ng pagtalikod habang kumukuha ng footage. Napakabait nga lamanmg ni Sarangani congressman at hindi ito nagagalit sa kaaliwaswasang pinagga-gawa ng nasabing reporter.
Pero napaka-delikado ang pinagga-gawa ng broadcast journalist na ito. Paano kung mabunggo ng nguso ni Manny ang mike at magkaroon ng pinsala at kailangang kanselahin ang laban sa Mayo 2? Napakalaking gastos ito para kay Manny kapag nag-demanda si Money May sa hindi pagkaka-tuloy ng 12-round na sagupaan para mapagbuklod ang WBO/WBC/WBA korona sa 147-pound division. Hindi lang yon, tiyak na i-ismulin na naman ni Money May si Pacman sa pagpapabaya nito na anatiling malusog sa panahon ng training. May mga tao talaga dito sa mundo na hindiniisip ang ginagawa nila na makapaghahatid ng kahihiyan ats kapainsalaan.
oOo
SAMOT-SARI: Abot-langit ang pasasalamat ng SALA SA INIT ?. Kina Jimmy Zuno, Clem Ascencio at Chong Dedikatoria na siyang umaayos ng aming sinasakyan at iba pang pangangailangan upang madali naming magampanan ang pag-kober naming dito. Sa kanila: MARAMING SALAMAT PO at sana?y huwag kayong magsawa sa pag-a-asikaso ninyo sa aming dalawa ni Aqui Zonio, PIO ni Cong Manny hanaggng sa aktuwal na labang gaganapin sa Makasalanng lunsod ng Las Vegas laban sa MGM Grand Arena.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025