Mobile Home | Desktop Version




PACQUIAO SUMASABAK NA SA SPARRING

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 18 Mar 2015



LOS ANGELES, Cal. ? Simula na ngayong araw ang sparring session ni Pambansang kamao Manny Pacquiao tungo sa nalalapit niyang laban kay Floyd Mayweadther jr. sa Mayo 2 sa Las Vegas.

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang itayo ang training camp sa General Santos City, at dalawang linggo makaraang lumpipat sa Wild Card Gym sa pinakasentro ng Hollywood dito ay makararanas na si Manny na tumuntong sa ibabaw ng ring na may kalaban sa harapan niya mula nang pataubin niya si Chris Algieri apat na buwan na ang nakararaan sa Macau.

?Okay lang ako, palapit na nang palapit ang laban habang patindi nang patindi naman ang ensayo,? ani Sarangani Congressman kahapon matapos ang kanyang regular na ensayo sa gym na pag-a-ari ng kanyang chief trainer na si Freddie Roach.

?I?m good. I feel very good and ready for the tougher road ahead of preparation.? We started preparing earlier than in my previous fights because alam naman natin na mabigat ang labang darating which might define the remaining years of my career.?

Dalawa sa anim na napili ni Roach na makipag-spar kay Manny ang unang makatikim ng panibagong bilis at lakas ni World Boxing organization welterweight champ na nakuha sa may limang lingo training camp.

Ito ay sina Kenneth Sims, isang di pa kilalang welterweight na nadiskubre ni Roach sa Chicago na may limang panalo na, kasama ang dalawang KO at isa pang batambatang junior middleweight na taga-Finland na di matandaan ni Roach ang kumpletong pangalan. May impresibong 24-1 panalo-talong rekord ang isang ito.

Ipinahayag ng pitong beses na Trainer o the Year na isasama niya ang mga ito sa talaan ng kanyang scholar sa Wild Card school of boxing.

?Both are very young and have good potentials to become world champions,? pahayag ni Roach. Idinagdag pa niya na mayroon pa siyang apat na naghihintay ng tawag para makatulong na ihanda si Manny sa labang pinamagatang ?the biggest fight? sa buhay ng dalawang boksingero.

Apat hanggang anim na round lamang makikipag-spar si Manny ngayon, sabi ni Roach. Gaya ng mga nakaraang laban, ang sparring ay gaganapin tuwing Martes, Huwebes at Sabado samantalang physical conditioning at stamina building naman tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes.

?Manny, actually, is in good shape,? ito ang obserbasyong ipinahayag ni Roach habang nagpapasalamat sa kanyang mga assistant trainer na sina Buboy at Roger Fernandez at Nonoy Neri sa nagawa nila habang wala si Roach na kasalukuyang nasa Macau noong magsimula ang kampo.

"We will just be making him to be as competitive as we would want him to be to achieve our target of winning by knockout,? sabi ni Roach . ?We have to win this fight because if we fail, the entire world will be very disappointed.?

?Manny knows that very well, that is why he really is dipping his head and his whole body to the training regimen he himself, myself and the training team charted.

?I can see it in his eyes, in his body movement, his attitude in training that he really wants to win and win decisively.? dagdag ni Roach. ?Sometimes, I cannot help but think he?s mad at this guy (Mayweather).?

?I can feel when we?re doing the mitts. With the way he hits the mitts, I can see it on how he responds to the things we want him to do. The efforts he has been doing which I didn?t see in his previous similarly important fights,? aniya.

oOo

SAMOT-SARI: Habang tumatagal ay padami nang padami ang miyembro ng Team pacquiao na nandito sa Los Angeles. Halos araw-araw ay may dumarating. Kung kaya?t bumibilib ang SALA SA INIT ? SALA SA LAMIG sa mga taong umaasikaso sa mga bisita, lalo na sa mansion ni Manny?. May kitchen cabinet na nagluluto at naghuhugas ng mga pinaglutuan at pinagkainan?. At siyempre ang boss/chief sa mansion ah si Manang Lilia Lao na tiyahin ni Manny at pinsan ni Mommy D?.. Nasa ilalim ng pamamahala ni Mommy L ay sina Leonard (Cocoy) Espra, Ryn Canolo, Suzanne Demecillo, Noel Demecillo, Apple Asares, Carol Napuli, Mark Avenido, Olive avenido, Michel (Pido) Kakilala at Muray Quijano?. Maraming Salamat sa inyong lahat sa inyong paga-asikaso sa amin ?. May mga receptionist at security units, kaya lang di pa natin nakukuha ang kanilng mg pangalan para pasalamatan.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • THE PAST WEEK IN ACTION 3 FEBRUARY 2026: Shakur Schools Teofimo to Become 4-Division Champ; Zayas Unifies WBA/WBO Superwelter; Kelly Beats Murtazaliev
    By Eric Armit, Wed, 04 Feb 2026
  • Round 12 with Mauricio Sulaimán: A Grand Week for Boxing in NY
    By Mauricio Sulaimán, Wed, 04 Feb 2026
  • Boxlab Promotions Euri Cedeno and Carlos De Leon Castro Shine in San Juan Victories
    Wed, 04 Feb 2026
  • National Boxing Hall of Fame 2026 is set to April 26 in Montebello, California
    By Gabriel F. Cordero, Wed, 04 Feb 2026
  • Vito Mielnicki Jr. Returns Home to Defend WBC USA, IBF USBA and WBO Global Middleweight Championships Against Omar Ulises Huerta
    Wed, 04 Feb 2026
  • Noah Lucas Palcis sees action in Bangkok chess meet
    By Marlon Bernardino, Wed, 04 Feb 2026
  • Reymond Yanong Edges Out Hayato Ono for Split Decision Win in Japan
    By Carlos Costa, Tue, 03 Feb 2026
  • “I’m gonna smoke whoever is in front of me, Anthony Wright- Hearn makes his pro debut March 13 at Thunderdome 53
    Tue, 03 Feb 2026
  • Pacman's Cue Club Hosts J&P 10 Ball Cup from Feb. 4 to 7
    By Marlon Bernardino, Tue, 03 Feb 2026
  • Mt. Apo Boulder Face Challenge is back
    By Lito delos Reyes, Tue, 03 Feb 2026
  • WILDER AND CHISORA FACE OFF IN ICONIC TIMES SQUARE TO ANNOUNCE APRIL 4 HEAVYWEIGHT SHOWDOWN AT THE O2 LONDON
    Tue, 03 Feb 2026
  • World Boxing appoints Tom Dielen as new Secretary General
    Tue, 03 Feb 2026
  • Sullivan Management signs 19-1 power-punching Albanian heavyweight Kristian Prenga
    Tue, 03 Feb 2026
  • Another Grandeza in MMA is coming
    By Lito delos Reyes, Tue, 03 Feb 2026
  • Gracie meets Zubiri in PH
    By Lito delos Reyes, Mon, 02 Feb 2026