
Cong. Manny at Kia, new pride of PH basketball
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 20 Feb 2015

GENERAL SANTOS CITY ? Gaya ng isinasaad sa dateline ng kolum na ito, kasalukuyang nasa GenSan ang SALA SA INIT ? upang mag-ulat sa kasalukuyan ay ginaganap na World Pool Association 10-Ball championship sa Activity SM City dito.
Pero hindi muna natin tatalakayin ang bagay na ipinunta ng SALA SA INIT dito sa napakainit at maunlad na siyudad na ito sa Mindanao. Wala pa naman kasing hugis na namumuo sa torneo makaraan ang dalawang araw ng main draw ng may 128 na manlalarong pumasok sa group plays.
May kaguluhan ang takbo ng paligsahan na nagsisilbing bangungot sa iilang mamamahayag na naglaksa ng loob na pumunta dito upang iulat ang mga kaganapan sa paligsahan. Una walang grupong namamahala sa mga pangangailangan ng media. Walang press room kung saan ay puwedeng makapagsulat ang media men at maipasa ang istorya nila sa kani-kanilang publikasyon.
Noong Miyerkoles, isang kinatawan ng WPA na nagngangalang Ana Marie Matessi, ay pinagbawalan ang isang miyembro ng media na pumasok sa playing area upang makakuha ng resulta na hindi naman maibigay ng mga namamahala sa torneo sa media.
Anyway, tayo naman ang nagsisilbing host ng torneo, isang world championship at that?s, so, pasensya na tayo. Lalo?t ang world eight-division champion na si Pacquiao ang siyang gumastos para maidaos dito ang paligsahan. Masyado ang paggalang ng kolumnistang ito kay Con.gManny para sisihin siy sa hindi naman niya pagkukulang.
Speaking of Pacquiao, well, binabati ng SALA SA INIT ang pambansang idolo dahil sa pagkakapanlo ng kanyang Team Kia noong Miyerkoles laban sa Grand Slam champion Purefoods Star na nakapagwalis ng tatlong torneo na idinaos noong nakaraang season.
Pangalawang panalo ng Carnival ito at kung bibilangin ang panalo nila sa Philippine Cup champion San Miguel Beer, lalabas na dalawang kampeon na sa kaunaunahang liga propesyonal dito sa bansa at Asya ang nalupig ng mga bata ni Sarangani Congressman.
Para doon sa mga nakalimot na, and Beermen ay ang kaisa-isang koponang orihinal ng miyembro ng PBA noong ang liga ay maitatag 40 taon na ngayon noong 1975. At ang prankisang paga-ari ni SMC chsair and CEO Ramon Ang ay siya ring may pinakamaraming kampeonatong napagwagihan sa loob ng mahabang apat na dekadang nagdaan.
Kung kaya nga?t napakalaki ang ibig sabihin ng kambal na panalong ito ng prankisa ng Columbian Motors hindi lamang sa PBA at maging sa kabuuan man ng mundo ng basketbol at kabuuan ng sports sa Pilipinas.
Isang MALUGOD NA PAGBATI ang ipinaabot ng SALA SA INIT sa kay coach Manny, sa kanyang mga manlalaro at sa pamunuan ng Team Kia. Sana?y ipagpatuloy ninyo ang inyong ginawa and here?s hoping that in not a long future, KAYO NA ANG TANGHALING CROWD FAVORITE NG BANSANG ITO NA LOKONG-LOKO SA LARONG BASKETBOL!
Napanood ko ang laro sa hotel room ko dito sa Family Country Hotel at nakita ko at narinig ang pagbubunyi ng mga manonood sa loob ng Smart Araneta Coliseum nang pumasok si Manny at makapagbuslo ng isang puntos sa foul line.
Napanood ko rin kung paano sila ipinagbunyi nang matpos ang laban na ang Carnival ang tinananghal na nagwagi. Tingin ko nga at ng marami pang mahilig sa basketbol, KIA is, indeed, coming of age.
Nagpapasalamat nga pala ang kolumnistang ito kina Daryl Villaroje, Jeric Roy Abueva, Alyka Bautista, Aileen Coronado at Reysan Villacorta ng technical group ng WPA 10-Ball Championship na kung wala sila ay hindi ako makakukuha ng daily result at hindi rin maipahahatid sa aming mambabasa ang mga kaganapan sa torneo.
Salamat din kay Kathleen Joyce Cuesta, magandang teller sa Cubao ticket office ng Philippine Airlines, na nag-asikaso sa SALA SA INIT para makabili ng tiket sa pagpunta dito.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Jayson Mama Set to Challenge for IBO World Super Flyweight Title in Johannesburg
Sat, 17 May 2025Fisher vs Allen 2: Can Johnny Make Necessary Improvements?
By Chris Carlson, Sat, 17 May 2025Weights from Panamá City
By Gabriel F. Cordero, Sat, 17 May 2025CRUZ LANDS IBF ELIMINATOR AGAINST MISHIRO IN NEW YORK
Sat, 17 May 2025Fisher and Allen Hit the Scales Ahead of Highly Anticipated Heavyweight Rematch
Sat, 17 May 2025Boxing: Sport Entertainment or Entertainment Sport (Part Two)
By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 16 May 2025NYC PRESS CONFERENCE QUOTES: BERLANGA VS. SHEERAZ / SHAKUR STEVENSON VS. WILLIAM ZEPEDA
Fri, 16 May 2025HALL OF FAME TRAINER FREDDIE ROACH TO BE HONORED BY THE CITY OF LOS ANGELES IN PUBLIC CEREMONY AT FREDDIE'S GYM!
Fri, 16 May 2025HALL OF FAME BROADCASTER JIM LAMPLEY TO PARTICIPATE IN 2025 HALL OF FAME WEEKEND FESTIVITIES
Fri, 16 May 2025Minnesota, Indiana Back Again in the Eastern and Western Conference Finals
By Teodoro Medina Reynoso, Thu, 15 May 2025In Jonathan’s memory
By Joaquin Henson, Thu, 15 May 2025WATCH: HITCHINS AND KAMBOSOS JR IN INTENSE FACE-OFF WITH ONE MONTH UNTIL NYC SHOWDOWN
Thu, 15 May 2025Toledo-Xignex Trojans finally win the PCAP online team chess tournament
By Marlon Bernardino, Thu, 15 May 2025Former WBA Super Bantamweight Champion Nazarena Romero to Exercise Immediate Rematch Clause Against Mayelli Flores Rosquero
Thu, 15 May 2025Pacquiao's Controversial WBC Ranking Explained: "Legend" Status Cited Amid July Return
By Dong Secuya, Thu, 15 May 2025