PBA HANDA NA SA IKA-40 TAON NA SELEBRASYON
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Sun, 07 Dec 2014
Ngayon pa lamang ay naghahanda ang Philippine Basketball Association para sa selebrasyon ng ika-40 taon nito. Actually, nag-umpisa na ang selebrasyon dito sa kasalukuyang ginaganap na Philippine Cup pero ang aktuwal na kapistahan ay sa Abril pa sa susunod na taon.
Marami ang tampok at makukulay na programang inihahanda, ayon kay PBA chair Patrick Gregorio at commissioner Chito Salud, bago pa lamang itaas ang telon sa All-Filipino. At isa sa mga itatampok ay ang pagkilala sa 40 Greatest PBA Players na nakaraang 40 taong pagkabuhay ng pinaka-unang liga propesyonal di lamang dito sa bansa kundi magins sa buong Asya man.
Labinlimang dakilang manlalaro pa ang idadagdag sa nauna nang 25 na pinarangalan noong ika-25 anibersaryo ng liga sa pangunguna ni ?Living Legend? Robert ?Sonny? Jaworski. Kabilang sa mga naunang kinilala ay sina Bogs Adornado, Atoy Co at Philip Cezar ng legendary Crispa, naging arch enemies nina Jawo, Mon Fernandez at Francis Arnaiz ng Toyota.
Kabilang din sa pinanangaralan noong ika-25 anibersaryo ng PBA at muling kikilalanin sa ika-40 taon liga ay sina Freddie Hubalde, Abet Guidaben at Bernard Fabiosa ng Crispa; Hector Calma, Samboy Lim, Allan Caidic, Ato Agustin at Manny Paner ng San Miguel; Alvin Patrimonio at Jerry Codinera ng Purefoods; Johnny Abarrientos, Kenneth Duremdes at Jojo Lastimosa ng Alaska Milk; Ricardo Brown, Danny Florencio, Vergel Meneses, Lim Eng Beng, Ronnie Magsanoc at Benjie Paras.
Si Fernandez, siyempre, at si Patrimonio ang dalawa lamang na manlalarong nagawaran ng tig-apat na Most Valuable Player na parangal. Si Adornado ay tatlong beses na naging MVP, dalawa sa Crispa at isa sa Universal Textiles. Si Guidaben at Paras ay dalawang beses kapuwa na tinanghal ng best player ng season.
Ginawaran bilang pinakamagaling na manlalaro ng taon si Fernandez noong 1982 nang siya ay naglalaro pa as Toyota, 1984 sa Beer Hausen, 1986 sa Tanduay at 1988 San Miguel Beer/Purfoods at si Patrimonio noong 1991, 1993, 1994 at 1997 lahat habang dala ang kulay ng Purefoods. Si Alvin ang pangalawa lamang sa dalawang manlalarong nagkaroon ng back-to-back MVP. Si Adornao na pinakaunang naging MVP noong 1975 ay umulit noong 1976 kapuwa sa ilalim ng bandera ng Redmanizers. Naging MVP rin siya noong 1981 habang naglalaro sa U-Tex.
Unang nakatanggap ng MVP award si Guidaben noong 1983 sa Crispa at nasundan ito noong 1987 sa Great at si Paras noong 1989, taon nang siya ay maging Rookie of the Year din, at noong 1999 kapuwa sa Shell.
Gaya ng nasabi ng SALA SA INIT ? sa bukana ng kolum na ito, 15 dakila pa na nagpaabong sa liga sa sumunod na 15 taon. Ito ay sina James Yap, Mark Caguioa, Arwind Santos, Willie Miller, Danny Ildefonso, Asi Taulava, Erik Menk, Kelly Williams, Jayjay Helterbrand, Jimmy Alapag, pawang mga naging MVP at sina non-MVPs Chito Loyzaga, Mark Pingris, Kerby Rymundo, Marlow Aquino at Jason Castro.
Si June Mar Fajardo, ang naghaharing MVP, ay hindi nakasama sa mga pinili sa dahilang tatatlong taon pa lamang siyang naglalaro sa liga.
Ang 15 mga napili sa dumaan sa isang selection process ng walo kataong panel sa pangunguna ni dating PBA player na si Freddie Webb at kinabibllangan nina Jaworski, kasalukuyang PBA chair Gregorio, vice chair Robert Non, Rep. Elpidio Bragaza, chair ng committee on Games and Amusement ng Mababang Kapulungan, PBA press Corps president Barry Pascua at kolumnistang si Joaquin Henson.
Limang mamahayag ay bibigyan din ng parangal bilang pagkilala sa pagiging pioneer nila sa pag-kober ng PBA Games. Ito ay sina Ding Marcelo ng Bulletin, Jun Engracia at Ernie Gonzales ng Inquirer, Lito Tacujan ng Philippine Star at ang kolumnistang ito.
Ang mga sumakabilang buhay nang sina Tony Siddayao, Ikeng Gonzales at Roger Flores, ay mga orihinal na miyembro ng media na kumober ng PBA Games nang ang liga ay isilang.
Gaya nina Guidben at Paras, tinanghal ding two-time MVP sina Ildefonso noong 2000 at 2001 sa San Miguel Beer, Miller noong sa Batang Red Bull at 2006 Alaska at Yap noong 2005 at 2009 sa San Mig Coffee.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Rising Irish welterweight star Paddy “The Real Deal” Donovan Preparing for Lewis Crocker showdown on March 1
Mon, 30 Dec 2024PH’s First-Ever Female Chess Master rules 35th International Chess Festival in Krakow, Poland
By Marlon Bernardino, Mon, 30 Dec 2024SPORTS RECORDS 1: THE LONGEST BOXING FIGHT IN HISTORY
By Maloney L. Samaco, Mon, 30 Dec 2024Lacar wins two titles over Li
By Lito delos Reyes, Mon, 30 Dec 2024NM Bernardino to hold chess simul in Pozorrubio, Pangasinan
By Marlon Bernardino, Mon, 30 Dec 2024IM Yu Tian Poh, AFM Wei Hom Isaac Tan clinch 16th Penang Heritage City International Chess Open 2024 title
By Marlon Bernardino, Sun, 29 Dec 2024Dumam-ag fights Limura for vacant OPBF fly title
By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024Jayson Mama vs. Michael Bravo Ends in Technical Draw; Joey Canoy and Rv Deniega shine in Sanman's Last Show of 2024.
Sat, 28 Dec 2024Casama to face Fujita in Tokyo
By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024Mirano, Bernardino, Alidani shine in Penang chess tilt
By Marlon Bernardino, Sat, 28 Dec 2024February 24: Junto Nakatani-David Cuellar Title Showdown Headlines a Bantamweight Bonanza in Tokyo LIVE on ESPN+
Fri, 27 Dec 2024Zamora, Soledad crush opponents in Bangkok
By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024GOLDEN BOY LAUNCHES INTO 2025 WITH ERIC PRIEST HEADLINING FIRST-EVER SHOW AGAINST TYLER “HERCULES” HOWARD
Fri, 27 Dec 2024PH Fighter of the Year, Top Fighters of 2024
By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 27 Dec 2024Three in line for title bids
By Joaquin Henson, Fri, 27 Dec 2024