
SALA SA INIT, SALA SA LAMIG: Sino Si Chris Algieri?
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 21 Nov 2014

MACAU, China ? Nakatakdang harapin ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang wala pang talo niyang challenger na si Chris Algieri para sa kanyang World Boxing Organization welterweight title sa araw na Linggo sa Cotai Arena sa mala-palasyonc Venetian Resort Hotel sa sugalang siyudad na ito ng China.
Sino nga ba si Algieri na ang tanging pagkakakilanlan lamang ay kanyang panalo kay Ruslan Provodnikov, and tinaguriang ?Siberian Rocky? na dating sparring partner ni Pacman mismo?
Wala pa ngang gaanong masasabing kredensyal and New Yorker na ito na ang tawag ay ?King of New York? at ?Real Rocky,? ang huli ay dahil nga sa come-from-behind na panalo niy kay Provodnikov. Kung kaya marami ang nagtatanopng kasama ang napakaraming Pilipinong naininirahan at nagta-trabaho dito kung ano ang maipagmamalaki niya para mapiling humamon kay Manny para itaya ang kanyang korona.
Gagamitin, samakatuwid ni Algieri, na ipinanganak sa Huntington, New York noong Marso 2, 1984 ang labang ito para magkaroon ng maningning na pangalan tungo sa mas marangya at mayamang propesyon. Manalo at matalo, tiyak na iindayog ang boxing career ng binatang ito na ang pinakamataas na premyong natanggap sa kanyang mjura pang career ay US$100 na premyo sa paglaban niya kay Provodnikov.
Tinatayang $1.7 milyon ang tatanggapin niya sa labang ito kay Pacquiao o mahigit kung bibilangin ang bahagi niya sa magiging kita sa pay per view.Tatanghaling biglang yaman si Algieri matapos ang labanb sa Lunes.
At kung mananalo, bukod sa makukuha niya ang kanyang pangalawang world championship ay tiyak na tataas pa ang kanyang magiging premyo sa susunod pa niyang laban. At higit sa lahat, maipagpapatuloy na niya ang kanyang ambisyong maging mangagamot. Graduate si Algieri ng nutrition at health care management at pangarap niyang kumuha ng medisina kung kikita siya ng malaki sa napili niyang propesyon.
May record na 20-0 panalo-talo si Algieri mula nang magsimula siyang mag-boksing. Dati siyang kampeon sa kickboxing kung saan ay nakapagtala rin siya ng 20-0 card. Ang panalo niya kay Praovodnikov ang naging daan para siya tanghaling WBO junior-welterweight champion at mapiling makalaban ni Pacquiao para sa 147-pound na korona ng huli. Para mangyari ito, binawi sinturon niya sa WBO junior-welter.
Kumpara sa mas impresibong 56-5-2 marfka ni Pacquiao, 38 dito ay sa pamamagitan ng KO, underdog si Algieri sa laban niya sa ring idol na Pilipino. Wala ring pagkakahawig ang walong KO panalo niya sa kanyang mga naunqang kalaban kumpara sa 38 ni Pacman kung kaya nga lalo pang nagpaigting sa underdog image niya.
Slick boxer at matalino ang pagkakilala sa kanya ng international boxing community dala nga sa pagiging master?s degree holder. Hindi umano niya iniintindi ang pagiging underdog niya, ayon sa kanyang face book. Bilis ng paa ang isa sa magiging sandata niya laban kay Pacquiao na ang ibig sabihin tama ang sapantaha ng kampo ng Pilipino na tatakbuhan niya ang nagtatanggol na kampeon.
Para hindi makalapit ang malakas manuntok na kalaban, gagamitan daw niya ito ng long jabs at right straights. Ayon pa sa kanya:para patsunayang kaya niyang patulugin si Pacquiao: ?If you can hit a man, you can hurt him,? Algieri said. ?If you can hurt him, you can stop him. I?ve had that mentality my entire career. I don?t care who I?m fighting. I think guys are underestimating my speed a little bit, but I don?t necessarily have to beat his speed or match his speed because timing beats speed.?
oOo
MATIWASAY AT LIGTAS NA BIYAHE VIA AIR ASIA
KUNTIL-BUTIL: Nakarating dito sa Macau si Pacquiao at ang kanyang koponan sa pamamagitan ng Air Asia. Dalawang eroplano ang ginamit ng koponan, na kinabibilangan ng pamilya ni Pacman, sa pangunguna ng kanyang maybahay na si Sarangani Vice Gov. Jinkee, bunsong anak na si Baby Israel at chief trainer Freddie Roach. Walang makapagbigay kung ilan ang opisyal na kasama sa entourage, pero ayon sa di opisyal na ulat, 350 katao umano o mahigit pa.
Sa bilang na ito, tinatayang mapupuno ang front desk ng Venetian Hotel at wala ng ibang makakapag-check in noong oras na dumjating ang malaking delegasyon. Ang ginawa ay kumuha ng dalawang function room si Mike Koncz, business consultant ni Manny upang wsa isang kuwarto ilagak angx mga maleta ng mga kasama at sa isangx kuwarto naman nagbigay ngx room assignment mula 9:30 ng gabi hanggang hatinggabi. Naging usapan ang pangyayaring ito bg isang linggo at kinumpara pa mandin ng foreign media sa delegasyson ni Algieri na ang bilang ay anim lamang.
Naging matiwasay at ligtas ang buong tatlong oras at kalahating biyahe, salamat sa napakahusay na pamamatnubay ni Capt. Daren Adrian Nepomuceno at sa tulong ni First Officer Mark Willy Alvaran. Napakagaganda, napakababait at napakasisipag ng cabin crew na binubuo nina Ellaine Castro Ibarra, Marjorie Jane Tolibas, Marie Katherine Polinar at Mayumi Arima, isang Haponeasng may dugong Pilipino. Palakaibigan silang lahat, lalo na si Arima na kung tawagin ay ?Yumi,? ang lumabas na pinaka-popular sa lahat, lalo na sa mga kalalakihan. Malaki rin ang naitulong nina Jovanni Hontomen at Neil Casano Barrameda at social media officer Cherry Anner Mungkal at official photographer Raniel Hernandez. May umaasikaso sa miga social media practitioner pero wala sa print at broadcast media .
Nabanggit na rin lamang ang Air Asia, ang kompanya na ginawaran ng World?s Best Low Cost Carrier sa loob ng anim na diretsong taon mula noong 2009 hanggangx 2014 ay siyang magiging official airline ng Team Pacquiao. Ayon kay Air Asia Group CEO Tony Fernandez, masisilayana na sa loob ng madaling panahon sa papawirin ng Asya ang Airbus 320 nito na nagdadala ng bandera ng Pilipinas kasama ang logo ng Pambansanbg Kamao sa lahat ng flight mula sa Maynila, Cebut, Kalibo, Puerto Princesa, Tagbilaran, Tacloban patungong Malaysia, China,at South Korea.
Ipinaabot ng SALA SA INIT ?. Ang pasasalamat kay Faith Lord, isang Pilipinang tumatao sa front desk ng The Venetian, at Yukti, kasama niyang Indian national, na tumutulong sa lahat ng pangangailangan ng kulumnistang ito habang kami?y nandito sa Macau.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
GIORGIO VISIOLI SETS OUT MISSION TO LAND MAJOR TITLES AFTER TENSE FIRST FACE-OFF WITH ENGLISH TITLE RIVAL JOE HOWARTH
Tue, 16 Dec 2025Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025