
Happy Birthday Princess, Buboy
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 03 Oct 2010

BAGUIO CITY -- Isang magandang araw ang aking ipinaaabot sa inyong lahat at pangunahin sa aking mga binabati ay ang aking pinakamamahal na anak na si Princess at kasama na rin ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan na si Buboy sa kani-kanilang kaarawan. Happy birthday sa inyong dalawa at sana ay pagpalain lalo kayo ng Poong Maykapal.
So far, so good. Maganda ang takbo ng unang linggo ng training dito at maayos ang paghahanda para sa laban namin ni Antonio Margarito sa Nov. 13 sa malawak na Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Sa pagpasok ng buwan ng Oktubre, nabibilang kong anim na linggo na lang ang nalalabi upang makuha ko ang pinakamagandang kondisyon ng pangangatawan, pag-iisip at ispiritwal na kahandaan para sa laban kontra sa higanteng si Margarito. Kahit na medyo mahirap ang biyahe, minabuti kong lumuwas muna mula sa bulubunduking training camp upang makapiling ko ang aking anak na si Princess kahit na ilang araw lang.
Wala namang pagtututol si coach Freddie sa aking pagluwas sa Laguna kung nasaan ang aking pamilya, basta kinakailangan ay makabalik ako sa simula ng linggong ito upang maipagpatuloy namin ang pagsasanay.
Malaking sakripisyo ang training at alam naman ng lahat na ibinubuhos kong lahat ang aking makakaya upang makuha ang 100 percent condition bago ang laban. Kinakailangan kong panatilihing hindi bababa sa 150 pounds ang aking timbang kaya pilit ko pa ring pinapataba ang aking katawan dahil kinakailangan ito patungo sa mas mahirap na mga susunod na linggo. Kung hindi ako kakain ng wasto, mabilis na babagsak ang aking timbang dahil hindi naman talaga akong likas na super-welterweight.
Top photo: Childhood friends Manny Pacquiao (L) and Buboy Fernandez during Pacquiao's doctoral degree conferment at Cebu's Southwestern University in February 2009.
Manny and Jinkee during Princess's christening in 2007.
Photos by Dong Secuya.
Umuwi rin ng Bicol si Buboy upang doon niya ganapin ang kaniyang kaarawan kasama ng kaniyang pamilya na bumisita rin sa Baguio nitong linggo. Kinakailangan naming makabalik agad upang maipagpatuloy ang training.
Malayo na ang nalakbay naming dalawa ni Buboy, ang kaibigan kong nagsikap din na maabot ang sarili niyang tandhana. Malaki rin ang sakripisyo ni Buboy, simula pa noong kapitbahay ko siya sa General Santos City hanggang sa dalhin ko siya sa Maynila at tinuruang humawak ng mitts. Mula sa hirap, kasama sa ginhawa, patuloy pa rin ang pag-aaral ni Buboy upang maging isa sa mga pinakamagaling na trainer. Dahil na rin sa kaniyang background sa taekwondo, naging bihasa na rin si Buboy sa pagsusuri at paghahanda sa laban at isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko sa ibabaw ng ring. Ang chemistry ni Buboy at ni coach Freddie ang ilan sa mga sikreto kung bakit matagumpay tayong lahat sa mga nakaraang laban.
Dahil na rin sa inyo, Buboy at Princess, kasama ang mga mahal ko sa buhay, pilit kong pinagbubuti ang paghahanda, para na rin sa ating mga kinabukasan.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025