Mobile Home | Desktop Version




‘Di dapat magkumpiyansa

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 11 Mar 2010



DALLAS -- Magandang araw po sa inyong lahat na mga ginigiliw kong taga-subaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan, saan man sulok ng mundo kayo naroroon.

Gaya po ng inyong nabasa sa iba’t ibang pahayagan at boxing websites, naririto na po ang inyong lingkod, kasama ang buong Team Pacquiao, para sa huling linggo ng paghahanda sa aming laban ni Joshua Clottey ng Africa, na magaganap sa Sabado (at mapapanood sa Maynila ng araw ng Linggo), sa Dallas Cowboys Stadium.

Balik-Texas po ulit tayo at para po sa akin ay may mahalagang puwang sa puso ko ang Texas.

Dito sa Texas ako unang sumubok na umukit ng aking pangalan sa larangang aking ginagalawan ngayon.

Dito nagsimula ang aking pangarap, pangarap na natupad sa pagdaan ng taon, hanggang sa ako’y tanghalin nang pound-for-pound king.

Marahil ay naaalala pa ninyo, dito sa Texas, sa bahagi ng San Antonio, taong 2003 nang ako’y dumayo roon, upang harapin ang isang maituturing na ring alamat sa Mexico na si Marco Antonio Barrera.

Kahit ako’y underdog sa labanang iyon, na ginawa sa Alamo Dome, ipinakita ko sa buong mundo na kayang ibagsak ng Pinoy, kahit ang isang alamat.

At iyon nga po ang aking ginawa. Hindi ko inalintana ang pagiging dehado sa laban, bagkus ay ipinamalas ko ang aking tapang sa ibabaw ng ring at ako’y nagtagumpay, nang itigil ng reperi ang aming sagupaan sa ika-11 round, at ihatag sa inyong lingkod ang isang TKO panalo.

Doon nagsimulang maging bukambibig ang aking pangalan.

At nang kami’y muling magkaharap ni Barrera, pero hindi na sa Texas, muli kong pinatunayan na hindi tsamba ang aking unang naging panalo sa kanya, nang muli’y talunin ko siya sa aming rematch.

Ang sarap gunitain ang mga araw na nagsisimula pa lamang akong gumawa ng pangalan. Hindi ko akalain na mararating ko ang anumang kinalalagyan ko sa ngayon.

Nang dumayo ako sa Texas ay iilan pa lamang ang aking kasama, kabilang na ang namayapa at itinuturing ko na ring ama na si Rod Nazario, na siya noong aking manager. At sa pagdaraan ng panahon, lumalaki ang bilang ng mga miyembro ng Team Pacquiao, bagay na aking ikinasisiya dahil alam kong ang aking tagumpay ay kanila ring tagumpay. Ang laban ko’y kanila ring laban.

Siyempre, sa tulong ng Poong Maykapal kung kaya’t lahat ng bagay ay ating nagagawa at naisasakatuparan, maging ito man ay sinasabing imposible.

Sa pagbabalik ko dito sa Texas, isang mabigat na hamon ang muli’y aking haharapin.

Sinasabi nilang kayang-kaya ko ang makakalaban mula sa Ghana, Africa. Pero, sa boksing, ang pagiging sobrang kumpiyansa ay nakasisira.

Wala sa aking isipan na maging over confident sa laban, dahil naniniwala akong may kakayahan ang aking kalaban na magbato ng suntok at iba pang estratehiya sa laban para ako’y talunin.

Hindi dapat magkapuwang sa aking puso at isip ang salitang ‘over confident’ dahil hangga’t hindi itinataas ang aking kamay na simbolo ng aking tagumpay, hindi ako nakasisiguro sa laban.

Sa huling araw ng aking paghahanda rito, hindi ko rin matatawaran ang sipag ng aking alagang asong si Pacman. Na kahit napakalamig ng panahon, basta’t nakita niyang ako’y gumising sa umaga para mag-jogging ay gising na rin siya para ako’y samahan.

Kung inyong nakikita sa mga larawan at maging sa mga kuha sa telebisyon, lagi kong kaagapay sa pagtakbo si Pacman, na kahit nahihirapan sa pagtakbo ay hindi ako iniiwan. Tumitigil lamang ito kapag nakita niyang ako’y tapos na sa pagjogging.

At sa aking muling pagdayo ditto sa Texas, sisikapin kong maipakitang muli sa buong mundo ang paghahandang aking ginawa, katuwang ang mga miyembro ng training camp ng Team Pacquiao, sa pangunguna ni coach Freddie (Roach). Upang muli nating maiuwi sa pagbabalik sa Pilipinas ang tagumpay, hindi lamang ng inyong lingkod, kundi maging ng ating buong bayan.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025