Mobile Home | Desktop Version




Mahirap maging P4P king

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 26 Feb 2009




MANILA?Kumusta po ulit sa inyong lahat mga ginigiliw kong tagapagsubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang bahagi ng mundo kayo naroroon.

Papaalis na ako kasama ang mga pinagkakatiwalaang miyembro ng aking team papuntang Estados Unidos upang doon magsimulang lumipad patungong United Kingdom sa katapusan ng buwan na ito. Marami pa ring mga bagay ang aking tinatapos sa kasalukuyan gaya ng shooting ng aming teleserye, ang ?Totoy Bato,? kasama at pinangungunahan ng aking kaibigan na si Robin Padilla at marami pang mga sikat na artista.

Bukod sa maraming iba pang pinagkakaabalahan, siyempre, dala ko kahit saan ako magtungo ang titulo ng pound-for-pound best fighter sa buong mundo at dahil diyan, kailangan kong pangalagaan ang aking pangangatawan, isipan at lahat ng bagay na nakapaligid sa aking pagkatao. Alam ko na ako ang tinatawag na Ambassador of Goodwill ng sport na ito kaya dapat kong pangalagaan ang aking reputasyon at ang magandang pangalan.

Kasama na rin sa responsibilidad ng pagiging No. 1 boxer sa mundo ay ang pagdepensa sa mga sinturon na aking nakamit natin nitong mga nagdaang buwan at taon. Pinalad tayo na manalo ng tatlong malalaking laban noong isang taon at ngayong taon naman ay lalaban ulit sa ikaapat na magkakaibang weight division?ang 140 pound light welterweight class.

Papasukin natin ang kakaibang teritoryo ng magiting na Englishman na si Ricky Hatton, na siyang kinikilalang hari ng 140-pound division. Nakakasa na ang laban namin na gaganapin sa May 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada at excited na po ako na lumaban ulit.

Bilang pound-for-pound best fighter at dating hari ng 130-pound super-featherweight division at ng 135-pound lightweight division, at kamakailan ay naging isang manlalaro ng 147-pound welterweight division, hindi maiiwasan na halos lahat ng mga kampeon ng bawat dibisyon ay nagbibigay ng hamon sa akin. Hindi naman sa umiiwas sa pagtanggap ng hamon ng bawat isa sa mga ito, malaki man sila o kahit na sila maliit, kailangan ko lang na lumaban sa isang dibisyon at mahirap palipat-lipat ng timbang lalung-lalo na sa 130-pound weight class.

Alam naman po ninyo, wala tayong inurungang paghamon, kahit na mas malalaki at matatangkad ang mga kalaban natin. May tiwala ako sa aking team na silang gumagabay sa bawat desisyon na aming pinagkakasunduan. Kasama na rin diyan ang hindi ko pagdepensa sa 130 at 135-pound division dahil na rin sa schedule ng aking mga susunod na laban.

Maraming salamat po ulit sa World Boxing Council at sa mga taong bumubuo nito sa pagkilala nila sa akin bilang kampeon ngunit talaga pong mahirap depensahan ang bawat sinturon na ating nakakamit. I treasure the moment being the 130 and 135-pound title holder but I had to give up the belts because I have decided to fight and issue a challenge in the higher weight classes.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025