Mobile Home | Desktop Version




Salamat sa mga sportswriters

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 12 Feb 2009




GENERAL SANTOS CITY ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na abalang-abala sa pagtatapos ng mga proyekto bago tuluyang magsimulang mag-promote at mag-training para sa susunod na laban sa May 2.

Ayon sa plano, gugugulin namin ang halos walong linggo para sa paghahanda para kay Ricky Hatton sa aming laban na gaganapin sa malawak na MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Pagkagaling lamang namin sa Guam nitong isang linggo, tinuloy ko naman ang pag-shoot ng TV show na Totoy Bato kasama si Robin Padilla at marami pang batikang actor. Hahabol ako papuntang General Santos upang tapusin ang mga nalalabing subjects sa kolehiyo at pagkatapos ay bibinyagan na rin ang aking bunsong anak na si Queen Elizabeth.

Sa ika-20 ng buwang kasalukuyan, ako naman ay magagawaran ulit ng Athlete of the Year award at dahil sa maraming beses na akong nakakuha ng award na ito, ilalagay na raw ako sa matayog na puwesto ng Hall of Fame matapos ang isang makasaysayang taon ng pangangampanya sa tatlong magkakaibang weight divisions nitong nakaraang taon ng 2008.

Nagpapasalamat ako sa mga sportswriters na bumubuo ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa pagpili nila sa akin at sa pagkilala nila sa mga matatayog na resulta ng aking boxing career, kasama na ang pagkamit ko ng super-featherweight title mula kay Juan Manuel Marquez ng Mexico at ang 135-pound lightweight title ni David Diaz ng Chicago. Kung wala ang mga manunulat, wala rin si Manny Pacquiao.

Higit sa lahat, ang pagkakatalo natin sa higanteng si Oscar Dela Hoya ng 147 pounds division ang isa sa pinakamakinang na resulta hindi lang sa aking career kundi sa buong kasaysayan ng sport ng boksing dahil sa loob ng isang taon, nakamit ko at napantayan ang kakaiba at namumukod-tanging record ni Henry Armstrong, na lumaban din sa tatlong magkakaibang division at nanalo rin sa bawat isa. Ayon sa aking tagapagsaliksik, ang record na ito ay mahigit na 80 taon na mula nang manalo sa Armstrong noong taong 1937.

Tinatanggap ko ang parangal na ito kahit na hindi pa tapos ang aking career at bagkus ay lalong papataas pa ang ating paghahanap ng mas malalaking parangal na aking iniaalay sa aking pamilya, mga kapwa Filipino at sa Poong Maykapal na Siyang nagbigay sa akin ng lahat ng ito.

Naaalala ko noong una akong makatanggap ng Athlete of the Year award mula sa PSA. Bata pa ako noon. Parang kailan lang at para ring napakatagal na ng mga araw na nagdaan. Hindi pa rin naman ako matanda sa edad na 30. Asahan po ninyo na lalo kong pagbubutihin at pag-iibayuhin ang paghahangad ng mas matatayog na pangarap, na pangarap din nating lahat.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025