
Likas na Yaman ng Pilipinas
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 18 Jan 2009


BACOLOD CITY?Kumusta po kayong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.
Sa wari ko, tinututukan ninyo pa rin ang pinakasariwang balita tungkol sa susunod na laban ko sa Mayo 2 at alam ko, sabik na kayo na makita ulit ako na lumalaban sa ibabaw ng ring.
Wala pang final na desisyon sa planong laban namin ni Ricky Hatton ng England pero sinisiguro ko sa inyo na ang aking buong koponan ay hindi titigil upang mabigyan kayong lahat ng pinakamaganda at pinakakapana-panabik na sagupaan, gaya ng iba pa sa aking mga huling laban.
Dahil na rin medyo sensitibo ang ilan sa mga detalye ng negosasyon, ibigay na lang natin sa aking mga pinagkakatiwalaang mga tinyente ang pagtatapos ng mga usapin at detalye ng laban.
Opo, sa tingin ko pa rin, dahil sa hirap na aking dinaanan at sinagupa sa aking career upang matamo ko ang aking katayuan sa larangan ng sport ng boxing, tama lang na makuha ko ang pinakamagandang deal at kondisyones sa laban namin ng pinakamagaling na boxer ng Europe.
Habang tinatapos ng aking legal team at ng aking promoter ang mga negosasyon, nandito naman ako sa siyudad ng Bacolod upang panoorin ang national amateur boxing championship.
Mahalaga para sa akin na suportahan ang pag-usbong ng mga katutubong talento ng boxing mula sa lahat ng sulok ng bansa dahil alam ko, sila ang hahawak ng trono at ng kinabukasan ng sport na ito, na siyang naging isa sa mga tulay upang makilala tayong lahat sa buong mundo. Dahil sa sport na ito, ang lahing Pilipino ay tinitingala ngayon sa buong mundo at sumasaludo ang lahat sa angking kakayahan, lakas at kaliksihan ng ating lahi.
Gaya rin ng aking sinabi noon pa man, kung anumang suporta ang kinakailangan ng amateur boxing ay todo-bigay ako. Kaya naman nandito ako ngayon sa Bacolod upang bigyan ng inspirasyon ang lahat ng mga kalahok upang pag-igihan nila ang paghahanda sa sarili upang makamit nila ang kanilang mga minimithing adhikain sa buhay gaya ng aking nakamit.
At sa bagong pamunuan ng amateur boxing sa pangunguna ni Manny Pangilinan, alam kong malayo ang mararating nating lahat upang sa huli ay makopo na natin ang pinaka-aasam na gintong medalya sa susunod na Olympics, mga apat na taon pa ang layo mula ngayon.
Alam ko, isa o isang dosena sa mga talentong ito ang isang araw ay magwawagi sa larangan ng buhay. Tiyak iyan! More power to you all. Sana, lahat tayo ay tumulong upang suportahan ang lahat ng mga boxers, professional man o amateur. Isama na rin natin lahat ng mga atleta.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025