Mobile Home | Desktop Version




Maraming, Maraming Salamat Po Ulit

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Fri, 19 Dec 2008




General Santos City -- Kumusta po kayong lahat? Alam ko, karamihan sa inyo ay maganda pa rin ang pakiramdam at masaya pa rin kahit na halos dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang tayong lahat ay manalo kontra sa pinakamahirap kong kalaban na si Oscar Dela Hoya.

Maraming, maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong mga panalangin, sa inyong mga pagbati, papuri at pagpapaniwala na tayong lahat ay magwawagi sa huli. Salamat sa Mahal na Poong Maykapal, sa ipinagkaloob niyang mga biyaya sa ating lahat, bilang iisang bansa, lipi at diwa.

Maraming, maraming salamat sa aking pamilya na sumuporta sa akin at kasama kong nagsasakripisyo kahit na nangangahulugan na hindi kami magkikita ng maraming araw at buwan.

Sa aking mga magulang na humubog sa akin upang maging isang mabuting anak. Kayo ang pangunahing dahilan kung bakit ako lumalaban sa ibabaw ng ring at kung bakit ko tinitiis ang maraming sakit sa katawan, ang malaking pagod at sakripisyo sa araw-araw.

Maraming, maraming salamat po sa Diyos na siyang nagbibigay sa ating lahat ng lakas at buhay dito sa mundo.

Kahapon po ay ipinagdiwang ko ang aking ika-30 kaarawan at labis-labis po ang aking tuwa. Sa araw na iyon ay aking binibilang ang mga biyayang nakamit muna nang ako ay magsimulang mangarap at nang maabot ko ang ilan sa aking mga napanagipang pangyayari sa buhay.

Hindi ko lubos maisip na natamo ko na halos lahat.

Maraming, maraming salamat sa aking koponan, ang team Pacquiao, ang mga arkitekto ng aking boxing career, ang mga taong tumulong at humugis sa akin bilang isang mandirigmang naging matagumpay sa ibabaw ng ring, ang mga taong lumaban at lumalaban para sa akin sa baba ng ring, ang mga taong ginagawa ang lahat upang mapadali ang trabaho ko.

Maraming, maraming salamat sa aking mga kaibigan na lubos na nagbibigay sa akin ng inspirasyon na lumaban kontra sa mas malaki at matangkad na kalaban, ang mga taong nininiwala na kaya nating manalo kahit na isang alamat na ang ating katunggali sa labanan.

Maraming, maraming salamat sa mga miyembro ng media na tuluyang sumusuporta sa akin at sumusulat ng mga pawang katotohanan lamang at ang mga taong sumusubaybay sa aking bawat galaw. Kung wala po kayo, hindi ako makikilala sa buong mundo gaya ng katanyagang aking inaasam ngayon.

Maraming, maraming salamat sa lahat ng mga bumati sa akin sa aking kaarawan kasama na diyan ang aking mga kalaban sa mga nagdaang mga sagupaan. Hindi ko lubos maisip na kahit nagkakasakitan kami sa ibabaw ng ring, pagkatapos ng laban, magkakaibigan pa rin kami.

Maraming, maraming salamat sa aking promoter sa boxing, na nagbibigay sa akin ng proteksiyon at naghahanap ng mga paraan upang lalo akong makakuha ng pinakamagandang laban at deal noon, ngayon at bukas.

Sa aking mga hindi na nabanggit na mga tao, salamat din po sa inyo.

Hindi pa po tapos ang aking career. Nagsisimula pa lang tayong lahat na abutin ang mga bagay na hindi natin inisip na possible palang maabot.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025