
PINAKAHIHINTAY NA SANDALI
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 07 Dec 2008

LAS VEGAS ? Magandang, magandang araw po sa inyong lahat. Malamang sa oras na binabasa ninyo ang kolum na ito, ako po ay kasalukuyan nang lumalaban sa ibabaw ng ring, ang ring na pinapanood ng buong mundo.
Sa oras ng alas 8 ng gabi, Disyembre 6, sa MGM Grand Arena, kami ni Oscar De La Hoya ang magtutuos upang tapusin na namin ang ?Dream Match,? ang pinakamalaki at pinaka-importanteng laban ng taon at marahil ay sa kasaysayan ng boxing.
Kasama ko po kayong lahat sa gabing ito, ang ating mga panalangin ay magkakaugnay-ugnay at iisang tinig, iisang puwersa tayong lalaban kontra sa Golden Boy ng boxing, ang isa sa mga haligi ng sport na ito, na aking minahal mula pa noong ako ay nagsimulang mangarap at managinip.
Ang bawat suntok na aking bibitawan ay may bigat ng 90 milyong Pilipino sa buong mundo, kasama na rin ang ilan pang milyong katao na sumusuporta sa akin bilang isang kampeon sa ibabaw ng ring.
Excited na ako na maipakita ko ang tapang, lakas at bilis ng isang mandirigmang Pilipino gaya ng ipinakita ng aking mga ninuno simula pa kay Lapu-Lapu ng Mactan. Maganda ang aking pakiramdam, maayos at malinaw ang aking pag-iisip at higit sa lahat, naniniwala ako na ang mahal na Panginoong Diyos ay nasa aking tabi palagi kaya Siya na ang magbibigay sa akin ng tagumpay sa araw na ito. Kasama ko sa araw na ito ang lahat ng mga magigiting na Pilipino na nagtanggol at lumaban upang lahat tayo ay lumaya at mamuhay ng tahimik. Kasabay ko ang lahat ng mga kababayan kong nagmamahal sa bayan.
Iniaalay ko sa Diyos at sa inyong lahat ang laban na ito at gagawin ko lahat ang aking makakaya upang gapiin ang kalaban na si Dela Hoya na nagsabing patutulugin daw niya ako. Isa lang ang aking masasabi. Ang aking kamao na lang ang magsasalita sa takdang araw dahil ang mahal na Panginoon lang ang s?yang tanging nakakaalam kung sino ang magwawagi sa aming dalawa.
Matagal at mahirap ang tinahak naming daan para paghandaan ang laban na ito. Dugo, pawis at pagod ang puhunan namin, kasama ang aking coach na si Freddie Roach. Tiniis naming lahat ang lamig, sakit ng katawan, pagkauhaw at mga pagsubok upang marating ang kundisyon ng pangangatawan, pag-iisip at ispiritwal na kabuuan upang masasabi namin na handing-handa na ang lahat.
This is the fight of my life, this is the biggest challenge in my boxing career, and I know that if I emerge victorious in this battle, all of us will reap the blessings and we will share all the glory.
Kaunting oras na lang at bakbakan na. Sana po, ipagpatuloy ninyo ang pananalangin upang lahat tayo ay tatanghaling KAMPEON NG BUONG MUNDO.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025