Mobile Home | Desktop Version




UMPISAHAN NA!

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 02 Oct 2008




NEW YORK ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Kung ako po ang inyong tatanungin, maayos na maayos ang panimulang takbo ng aking training at kundisyon sa pangangatawan at pag-iisip at nasa tamang schedule ang lahat.

Kalalapag lang namin sa New York ngayong gabi upang simulan ang pinakamalaking promotional tour ng taon sa larangan ng boxing at pupuntahan namin ang pinakamalalaking siyudad sa United States, upang maihayag sa buong America at sa buong mundo ang laban namin ni Oscar Dela Hoya sa December 6, sa Las Vegas, Nevada. Sold na daw po ang tickets para sa laban namin sa MGM Grand Arena.

Siguro, habang binabasa ninyo ang kolum na ito ay nakatapos na kami sa press conference sa Statue of Liberty sa New York at siguro ay papalipad na kami papunta sa Chicago, Illinois kinabukasan upang bigyan ng apoy at init ang napipintong bakbakan namin ng tinatawag nilang Golden Boy ng boxing.

Sa loob ng linggong ito, pupunta rin kami sa Houston, Texas at sa San Antonio, Texas, tapos lilipad din sa San Francisco, California at pabalik sa Los Angeles upang lalong bigyan ng excitement ang mga fans at makausap ang media.

Kanina, noong nasa himpapawid kami, habang binabagtas namin ang laki at haba ng buong America, mula sa West Coast (California) hanggang dito sa East Coast (New York), hindi ko lubos maiisip kung gaano kalaki ang mundong ating ginagalawan at kung gaano tayo kaliit kung ikukumpara rito.

Inabot ng limang oras ang biyahe at tatlong time zones ang haba. Habang nasa himpapawid kami kasama ang aking mga pinagkakatiwalaang mga kaibigan at miyembro ng training team, napag-isip-isip ko kung gaano kalaki itong laban na ito at kung ano talaga ang nakataya rito.

Nagkaroon din ako ng panahon upang mapag-isipan ko ang aking pinagdaanan simula pa noong bata ako at kung ano na ang aking natamo. Siyempre, hindi pa rin ako nagbabago at ako pa rin iyong Manny Pacquiao na simpleng tao at madaling lapitan. Sa tingin ko, ang pagiging mapagpakumbaba palagi ang isa sa mga sikreto ng pagsikat at paglaki ng kahit sino sa atin. Iyan ay nasa puso ko at sa tingin ko, hindi ako magbabago.

Bukas, o araw ng Miyerkules dito, magkakaharap ulit kami ni Ginoong Dela Hoya sa Statue of Liberty hindi bilang magkaibigan. Bukas, sisimulan namin ang paghahayag ng aming mga balak at mithi para sa laban na ito. Para sa mga taong nakakakilala sa akin, hindi ko ugaling magsalita ng masama tungkol sa aking kalaban at siyempre, naririyan pa rin ang respeto ko sa kapwa ko boxer at kalaban.

Sana po ay suportahan ninyo ako sa laban na ito, panoorin ninyo ang labanang sasapit at ipagpatuloy ang pagdarasal para sa ikapapanalo nating lahat.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Top photo: Boxers Oscar De La Hoya (L) of the U.S. and Manny Pacquiao of the Philippines pose for photographers before a news conference at Liberty Island in New York October 1, 2008. The two boxers are scheduled to fight on December 6, in Las Vegas. REUTERS/Chip East (UNITED STATES)

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025