
MP Promotions: Magandang Bukas Para sa Boxing
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 25 Sep 2008
SAN DIEGO, CA ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.
Bumabati ako sa inyo galing pa sa San Diego, California kung saan gaganapin ang unang boxing promotion ng MP Promotions sa United States.
Opo, pagkatapos kong lumapag sa Los Angeles Airport Martes ng gabi at kumain ng hapunan sa aking apartment sa Los Angeles, dumeretso na kami papunta dito sa siyudad ng San Diego sa hilagang bahagi ng California, sa Sycuan Resort sa El Cajon.
Ang MP Promotions ay aking itinayo upang maitaguyod ko ang sport ng boxing. Ang sport na ito ay naging mabait sa akin at sa aking pamilya dahil dito nagmula ang lahat ng mga biyaya na aking natanggap hanggang sa ngayon. Bilang pagpapasalamat sa mga taong mahihilig sa sport na ito, nais kong maibalik sa publiko ang saya at tuwa ng paghahandog ng mga maaayos na laban.
Siyempre, gusto ko talagang makatulong sa aking mga kababayang boksingero na gustong maabot din ang rurok ng tagumpay na aking unti-unting naabot dulot na rin ng aking tiyaga at matinding sakripisyo. Naniniwala ako, na sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pintuan para sa mga sumisibol na talentong Pilipino, malayo ang ating mararating sa entablado ng international boxing.
Sa panimulang handog, kasama ko ang Sycuan Band of the Kumeyaay Nation, na silang nagpapatakbo ng Sycuan Casino Resort and Spa, na tumulong sa amin upang maitaguyod ang unang handog na ito. Bukas, makikilala ko ang mga pinuno ng organisasyon na ito upang lalo pang mapaganda ang nasimulan nang mabuting relasyon ng aking promotional company at ng kanilang samahan.
I know that the Sycuan name has been very active in the sport of boxing and I am very pleased to work with their organization. I know we can do many other projects in the near future and I personally thank them for this initial project's success, even though the fight card is still two days away.
Dahil sa gabi na nang makarating kami dito, bukas ko pa lang masisilayan ang ganda ng resort na ito na may spa at magandang golf course. Dahil sa napahilig na rin ako sa sport na golf, tiyak na mag-eenjoy din ako rito, kasabay na rin sa trabaho ng pag-promote sa fight card.
Sa unang pagtatanghal, masisilayan ng mga fans ang laban ni Bernabe Concepcion, na sa tingin ko ay may malaking potential na maging isang world champion sa lalong madaling panahon. Dahil nakikinig si Bernabe sa aking mga payo kung paano maging isang kampeon, binubuhos ko ang aking suporta sa kanyang career.
Kasama rin sa undercard si Dennis Laurente, ang junior welterweight na mandirigma na sa aking palagay din ay may malaking potential. Isa pa ay si Mercito Gesta na akin ding tinutulungan. Marami pang mga magagaling na boxers ang darating dito sa America kaya sana ay abangan ninyo sila at suportahan.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025