Mobile Home | Desktop Version




Go For the Gold, Team Philippines!

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 07 Aug 2008




MANILA --- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

Matapos ang napakasarap na bakasyon naming mag-anak sa Amerika, ako naman po ay tutungo ngayong araw ng Huwebes, sa Beijing, China upang pangunahan ang Philippine contingent sa Olympics na gaganapin sa Biyernes.

Masaya at maganda ang naging resulta ng aking biyahe sa Amerika dahil nagkakasundo ang lahat ng miyembro ng aking koponan tungo sa susunod kong laban sa katapusan ng taong ito.

Tuwang-tuwa ang aking mga anak sa pamamasyal sa mga theme parks at nagsawa rin sila sa pamimili ng mga laruan at mga damit at iba pang gamit, bukod sa quality time na namagitan sa aming mag-anak, kasama na si Jinkee, ang aking maybahay. Kahit na maraming mga tao ang nakakakilala na sa akin saan man ako tumungo, mas maluwag ang pamamasyal sa Amerika, bagay na hindi namin masyadong nagagawa sa Pilipinas.

Sa araw ding ito (Miyerkules sa Amerika), nakatakda ring magkita ang dalawang pinuno ng promotional companies, ang Top Rank Inc. ni Bob Arum at ang Golden Boy Promotions sa pangunguna ni Richard Schaefer upang pag-usapan at pagkasunduan kung posibleng mabuo at maganap ang napipintong laban namin ni Oscar Dela Hoya, ang taong tinatawag na Golden Boy sa mundo ng boxing.

Si Dela Hoya, ang dating amateur boxer na nanalo ng ginto sa Olympics, ay tinuturing na isa sa pinakamalaking manlalaro sa sport, hindi lang sa boxing. Ang makaharap siya sa isang laban ay isang karangalan at sana, matuloy ang laban na ito.

Sana rin, ang aking pagsali sa parada at paghawak sa bandila ng Pilipinas ay magsilbing inspirasyon sa aking mga kapwa atletang Pinoy. Bukod sa pinansiyal na pabuya na matatanggap ng sinumang Pinoy athlete na magwawagi ng ginto sa Olympics, sigurado akong habambuhay na tatanghaling alamat ng sambayanan ang kung sinumang taong magwawagi ng kauna-unahang gold ng Pilipinas mula nang una tayong sumali noong 1924.

Sa aking pagkakaalam, sa loob ng 84 na taon wala pa tayong naitatalang ginto sa anumang sport at ang pinakamalapit na resulta ay ang pagpapanalo natin ng silver medal sa dalawang magkakaibang beses.

Tanging sila Anthony Villanueva (1964 Tokyo Olympics) at Mansueto "Onyok" Velasco (1996 Atlanta Olympics) lamang ang may pinakamalaking tsansa na makakuha ng ginto pero talaga namang hindi sila pinalad na makamit ang pinakamatamis na resulta sa Olympics, ang pinakaaasam ng lahat - ang ginto.

Pitong bronze medals pa ang naitala ng ating mga kababayan gaya ng nakamit nila Teofilo Yldefonso (1928 Amsterdam , swimming), Simeon Toribio (1932 Los Angeles , athletics), Jose Villanueva, 1932 Los Angeles , athletics), Teofilo Yldefonso (1932 Los Angeles , swimming), Miguel White (1936 Berlin , Athletics), Leopoldo Serrantes (1988 Seoul , boxing), Roel Velasco (1992 Barcelona , boxing).

Kasama kayo sa aking panalangin, ang aking mga kapwa atleta, na sana ay makuha natin ang pinakaaasam na gold. Sa pamamagitan ninyo, mas lalo nating mapapabuti ang imahe ng ating bansa.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025