Mobile Home | Desktop Version




Laban vs Dela Hoya: Para sa Sports, Personal, Karangalan

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 03 Aug 2008




LOS ANGELES ? Magandang araw po sa inyong lahat saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na nage-enjoy sa bakasyon kasama ang aking pamilya dito sa US.

Nakabalik na kami sa Los Angeles galing ng Las Vegas Huwebes ng gabi at sa kasalukuyan ay kasama ko ang aking pamilya sa pamamasyal sa buong araw at maghapon.

Walang kasing-saya ang aking nadarama dahil alam ko, maraming panahon ang dumadaan na hindi ko man lang nakikita at nakakapiling ang aking mga anak dahil ako ay nagte-train para sa mga fight kadalasan. Medyo malalaki na rin ang dalawa kong lalaling anak na sina Jimuel at Michael at sila ang palaging naiiwan sa bahay kapag ako ay lumalaban sa labas ng bansa nitong nagdaang anim na taon. Sa paglaki ng anak kong bunso na si Princess, mas kumpleto na ang saya at tuwa na aking nararamdaman.

May mga simpleng bagay sa mundo na hindi mababayaran ng pera gaya ng ngiti, tawa at halakhak ng mga mahal mo sa buhay. Sa bawat tawag na "Daddy" sa akin ng aking unica hija na si Princess; ang makita na siya ay nabubusog sa pagsusubo ng pagkain o ang pagpahid ng ice cream sa bibig ay napakasarap sa damdamin. Kahit na ang pagpapalit ng diaper o iyong paglalaro ng tatlo kong anak sa kama kahit na inaantok ako ay may halong ligaya.

Siyempre, kumpleto ang lahat dahil kasama ko ang aking pinakamamahal na si Jinkee at ang bawat minuto at segundo na kapiling ko ang lahat sa aking mga minamahal ay gloria.

Walang katumbas na pera sa mundo ang mga bagay-bagay na ganito at alam ko minsan lang magiging bata ang aking mga anak.

Gaya rin ng aking susunod na laban, kung matutuloy man ang plano na makakaharap ko si Oscar Dela Hoya, walang katumbas na pera ang laban na ito.

My fight with Dela Hoya will be for all of boxing and for all the people who love the sport. It is also something personal because we have other things to settle with the Golden Boy. I know there are so many other things that need to get settled if and when our fight pushes through. What better way to do it than finish things on top of the ring.

Tiwala ako na ang aking promoter na si Bob Arum ng Top Rank Promotions at si Richard Schaeffer ng Golden Boy Promotions ay magkakasundo sa mga pangunahing kondisyon na aking hiningi na alam kong makatarungan at tama lang lahat ng iyon.

Our fight with Oscar Dela Hoya is more than personal to me than it is for the money. It is for the honor of my family and my country. Karangalan ang nakataya dito bukod pa sa mga prinsipyo na pinaglalaban ko mula pa noong magsimula ako mag-boxing.

Alam kong mahirap ang susunod na laban kung sakaling kami ni Oscar ang magkakatuluyan pero alam ko rin, sa aking puso at isipan, na maganda ang aking mga tsansa na maka-score ng isang upset.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025