Mobile Home | Desktop Version




ANG SUSUNOD NA KABANATA

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 24 Jul 2008




MANILA ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.

Marahil ay napapasali na rin kayo sa guessing game na kung sino ang aking susunod na makakalaban at kung matutuloy ba ang laban namin ni Oscar Dela Hoya sa Disyembre o sa Nobyembre. Alam kong matunog na matunog na ang mga bali-balita na kung mangyayari ba ang labanan namin ng Golden Boy ng boxing at alam kong marami ang sumusubaybay dito, kasama na rin ang lahat ng media sa buong mundo.

Sa ngayon po, wala pang final na decision sa aming laban dahil hindi pa nagkakasundo at nagkakaharap ng pormal ang mga taong dapat na gumawa ng decision sa laban. Lubos akong nagtitiwala sa aking promoter, ang Top Rank Promotions sa pangunguna ni Ginoong Bob Arum, na maibibigay niya sa akin ang pinakamabuting laban at kasunduan para sa aking susunod na laban.

Basta magkakasundo sa tamang mga kondisyon at mga batayan, sa tingin ko, hindi imposible na magkakaharap kami ng boxer na minsan ay inidolo ko, si Oscar Dela Hoya. Opo, minsan ay nasabi ko sa kanya na humahanga ako sa kaniyang mga nagawa sa ring bilang isang boxer at businessman.

Pero gaya na rin ng aking palaging sinasabi, ako po ay isang boxer at trabaho ko po ang maghanda, lumaban at mag-train para sa susunod na mga laban. Totoo na nasa akin ang huling desisyon at pirma para matuloy ang isang laban, marami rin akong mga taong pinagkakatiwalaaan upang matuloy ang isang match.

I fully trust Coach Freddie when he says we have a good chance of beating Oscar Dela Hoya. Despite his size, reach and other advantages, I believe we have a fair chance, too, in winning if we finally decide on which weight division are we fighting. Aside from Mr. Arum, I also have my family and other important people in my team to give me added information why or why not we should push through with a fight with Mr. Dela Hoya.

Kapag nagkasundo-sundo ang lahat, nasa akin ang final na pasya at kadalasan, natutuloy ang laban dahil na rin saw ala naman akong inuurungan at kinakatakutang boxer.

Kaya po sa Huwebes, tutungo kami ng aking pamilya kasama ang aking asawa at mga anak, upang magbakasyon at kasama na rin ang makipag-usap sa aking promoter para sa mga susunod na plano.

Naniniwala ako na sa mataimtim na panalangin sa Panginoong Diyos, matatamo natin ang tamang desisyon at kapalaran sa mga susunod na mga araw. Alam ko na Siya ang magbibigay sa akin ng linaw ng pag-iisip at mga tamang desisyon sa mga ganitong pagkakataon.

Sa ngayon, ang tangi nating dapat gawin ay ang maghintay at mag-enjoy kasama ng aking pamilya, lalung-lalo na ang aking mga anak na palaging kasama sa pagsasakripisyo sa bawat laban, dahil sila ang palaging naiiwan sa Pilipinas habang ako ay nagte-train ng mahigit sa dalawang buwan, kadalasan.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025