
LARO NG KALIKASAN
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 20 Jul 2008

BACOLOD CITY -- Magandang araw po sa inyong lahat saan man kayo naroroon. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo. Kung ako po ang tatanungin ninyo, ako ay masaya, malusog at sana ganoon din kayo.
Ito pong kolum na ito ay karugtong ng aking salaysay noong Huwebes kung saan kami ay nag-scuba diving ng aking mga kaibigan noong isang linggo sa Davao. Sinusulat ko itong kolum na ito matapos naming magbigay ng mga tulong at saya sa ating mga kababayan na sinalanta ng bagyong Frank sa Iloilo at Bacolod City.
Kung iisiping mabuti, magkarugtong ang mga pangyayari nitong nakaraang mga araw dahil na rin sa kalikasan ang nasa gitna ng lahat. Ako po ay masaya na sumisid sa gitna ng karagatan at nakipaglaro sa ganda na dulot ng likas na yaman ng bansa.
Sa kabilang dako, matapos ang isang linggo, ako naman ay nagdalamhati at nalungkot sa aking mga nakita, bunga na rin ng hindi magandang dulot ng kalikasan-ang pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian at sa pagkamatay ng maraming tao. Lubos po akong nakikiramay sa inyo at alam ko, maraming mga bagay ang hindi na natin maibabalik pa. Sana ay napasaya ko kayong lahat kahit na sa ilang sandali.
Ngayon ko lang mas lalong napag-isip na tayong lahat ay mga nilalang ng Diyos at kung gaano kahalaga ang buhay. I was able to think about life, how simple, small and insignificant we are sometimes in this world.
Kapag nasa gitna ka ng karagatan, o nasa pusod ka ng dagat, mararamdaman mo kung gaano kalaki ang mundo at kung anong bahagi ka sa gitna ng lahat. Noong malapit na kaming matapos sa dive namin noong linggo, biglang lumakas ang underwater current o iyong agos ng tubig sa ilalim. Iyong mga ibang kasama ko ay napilitang umahon upang hindi sila maanod ng kuryente habang kami ng aking dive master ay sumubok na labanan ang kalikasan.
Kung tutuusin, maraming pwedeng mangyaring masama. Pero gayunpaman, ano ang ating magagawa kung ang kalikasan ang gumawa ng isang masamang biro? Gaano tayo kaliit at gaano tayo kahalaga sa mundo? Sa ibabaw o ilalim man ng dagat, tayo ay mga simpleng nilalang lamang.
Tubig, lupa, apoy, hangin, kahoy-iyan ang limang bahagi ng kalikasan. Silang lahat ang nagbibigay-buhay sa lahat, at sila rin ang maaaring mortal nating kaaway.
Ganyan na rin ang rason kung bakit nangyayari ang mga natural na kalamidad, kung bakit lumulubog ang isang barko na dala ng hangin at tubig. Kung bakit kapag pinutol ang kahoy ay madaling bumaha at kung lalasunin at papatayin ang mga ilog at karagatan, tayo rin ang malilintikan sa huli.
Marami sa atin ang nagkikibit-balikat lamang kapag pinag-usapan ang kalikasan at nagsasawalang-bahala. Marami ang hindi nakakaramdam at nakakaunawa na tayong lahat ay bahagi rin ng kalikasan dahil tayong lahat ay dapat na tagapangalaga nito. Ang simpleng pagtapon lamang ng basura sa dagat o sa lansangan ay magdudulot ng malaking pinsala sa atin, gustuhin man natin o hindi.
Ang mga bagay na nagdudulot ng pagkasira sa ating ozone layer ay isa pa sa mga dapat nating pagtuunan ng pansin. Opo, marami pa tayong dapat gawin at sana, mag-umpisa na tayo ngayon.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
Top photo: A helicopter (R) hovers over the 'Princess of the Stars' passenger ship with only part of its hull visible above water after it sunk last month.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025