Mobile Home | Desktop Version




Marami Pang "Unfinished Business"

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 17 Jul 2008

GENERAL SANTOS CITY -- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.

Kahit na tapos na ang mga mahahabang panahon na ginugugol sa training at sa paghahanda sa mga kalaban sa itaas ng ring, marami pa ring mga bagay ang dapat kong isakatuparan at hindi pa rin tapos ang laban sa labas ng ring.

Kahit na hindi pa rin tumitigil ang sunud-sunod na mga tungkulin na dapat kong gampanan sa pang-araw-araw na pamumuhay sa Pilipinas, ako po ay hindi titigil at handang tumupad sa mga pangakong aking binitiwan sa aking mga kababayan.

Unang-una, nangako ako na pangangalagaan ko ang likas na yaman ng bansa, partikular na dito ang buong Mindanao kung saan ako ang inilagak sa Chairman ng Task Force Luwas Kinaiyahan.

Pangalawa, bago ako sumabak sa ring at kalabanin si David Diaz, ang dating WBC lightweight champion, nag-promise ako na tutulong ako sa aking mga kababayan na nasalanta ng bagyong Frank isang linggo bago ako lumaban noong June 28. Sa totoo lang, sila ang isa sa mga naging major inspirasyon ko para manalo kaya sa araw ng Biyernes, pupunta ako sa Iloilo at Bacolod City upang ibsan ang mga hinaing at lungkot ng ilan sa aking mga kababayan.

Pupunta ako kasama ng aking mga kaibigan upang magbigay-saya sa mga kapus-palad upang kahit papaano ay mabigyan naman sila ng kaunting saya. Magpapamigay kami ng mga bagay-bagay na kailangan ng mga tao gaya ng pagkain, bigas at iba pa?

Hindi po ako nakakalimot sa aking pinagdaanan dahil lumaki rin ako na dumanas ng hirap sa buhay kaya sana, magkita-kita tayo at makapiling ko rin kayo kahit na sandali.

Nitong nagdaang Sabado naman, ako ay nagkaroon ng tsansa na magtrabaho at mag-inspect ng mga dive sites sa Davao habang nagrerelax din. Opo, kahit na hectic ang trabaho, may magagandang benepisyo rin na nakukuha dito.

We went to Samal Island for two days (Saturday and Sunday) and I had some of the best times. Bukod sa nakaka-relax ang tanawin sa ilalim ng dagat, magandang exercise din ito sa akin. Kasama ko ang aking dive buddy na si Alden Delvo at ang kanyang asawa na si Goldie, at sila Bren Evangelio, Caloy at and Wind and Wave dive master na si Joel Givela at isa pang dive guide.

Una naming pinuntahan ay ang Angels cove sa Talikud Island noong Sabado. Dito, maganda ang site kaso medyo hindi maganda ang visibility. Mayaman ang site na ito sa marine life gaya ng corals at angel fish at umabot kami sa lalim na 100 feet. Tumagal kami ng 35 minutes pero parang napakatagal ng panahon na ginugol namin dito.

Noong Linggo naman, pinuntahan namin ang Mushroom Rock sa may barangay Panggubatan, sa Samal Island din, at doon, maganda at malinaw ang tubig at kita mo rin ang mayaman na laman-dagat gaya ng mga corals, snappers, mga sea anemones at kahit na ung isdang nakikita sa sinehan, si Nemo, nandun din. Noong halos matatapos na kami, biglang lumakas ang underwater current at dito nasubukan ang lakas ng aking paa sa paglangoy habang ang iba kong kasama ay pumunta na sa surface. Magaling si dive master Joel Givela at siya ang sumabay sa akin.

Sana, dumami ang mga taong makakaalam ng mga magagandang lugar sa Pilipinas upang mabuhay lalo ang ating tourism.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025