
Salamat sa Inyong Tiwala
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 13 Jul 2008
GENERAL SANTOS CITY ? Magandang araw po muli sa inyong lahat saan mang lupalop kayo naroroon. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.
Matapos ang isang linggong pagpapahinga, medyo ngayon ko pa lang nauunawaan at natatanto kung gaano kalaki ang aking responsibilidad sa aking sarili, pamilya, bansa at sa lipunan matapos kong makuha ang dalawa sa pinakamalaking titulo sa larangan ng boxing sa loob lamang ng apat na buwan.
Opo, parang isang panaginip itong aking nadarama at ngayon ko pa lang nare-realize na totoo nga ang magandang kapalaran na aking nagisnan. Naalala ko pa nga noong simula ng taon, may mga nagsasabi na hindi raw ako papalarin sa Year of the Rat dahil ako ay ipinanganak sa Year of the Horse, gaya rin ng aking asawa na si Jinkee. Magkakontra daw ang daga sa kabayo.
Sabi nila, kailangan daw ayusin ang mga bagay-bagay sa aking bahay upang makontra ang malas at kamalasan. Ang sabi ko naman sa simula ng taon, dapat na akong magbago at ang tanging paniniwala ko sa Diyos ang siyang aking tanging sandigan at wala na akong paniniwalaan pang ibang mga mala-paganong kaalaman.
Bukod sa salita ng Diyos na mababasa sa Banal na Aklat, ako po ay nangako sa aking sarili na iiwas na sa mga bisyong aking nakagiliwan noong mga nagdaang taon at mamumuhay ng maayos at tatalikuran na ang mga mapanirang gawain sa buhay gaya ng pagpupuyat, sugal at pag-inom. Alam ko na ang paniniwala sa Diyos ang tanging paraan para maisakatuparan ang lahat ng ito.
Malaki ang ipinagbago ng aking pakiramdam, maayos ang training at maginhawa ang takbo ng aking buhay kung ikukumpara noong mga nagdaang taon. Mas masaya ako ngayon kaysa noong dati.
At ngayong tangan ko ang dalawang belt sa magkaibang dibisyon, alam ko na marami ang gustong kumuha sa mga sinturon na nakabigkis sa aking bewang. Alam ko rin na hindi ako dapat magpabaya o bumalik sa mga dati kong bisyo. Ang pangalagaan ang aking pangangatawan at ang pagtatapos sa paaralan para palusugin ang aking pag-iisip ang siyang magpapatuloy ng mga magagandang bagay na ating nasimulan nang lasapin.
Matapos nating magwagi noong Marso laban sa dating kampeon ng World Boxing Council super-featherweight division na si Juan Manuel Marquez at nitong isang linggo lang ay mapanalunan natin ang World Boxing Council lightweight division belt na tangan ng dati ring kampeon na si David Diaz, alam ko na mas matindi pang mga pagsubok ang darating.
Maraming salamat nga po pala sa mga kinatawan ng Philippine Olympic Committee dahil sa pagbibigay nila sa akin ng karangalan na hawakan ang bandila ng Pilipinas sa Beijing Olympics na magsisimula sa August 8, 2008. Isang malaking karangalan para sa akin at sa aking pamilya na mapabilang sa Olympics kahit na hindi ako napasama sa amateur boxing noong ako ay nagsisimula pa lang.
At sa World Boxing Council sa pamumuno ni Ginoong Sulaiman, thank you for choosing me as your Boxer of the Month. I will try my best to become your Boxer of the Year by the end of 2008.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025