
HANDANG-HANDA NA AKO
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 05 Jun 2008

LOS ANGELES, CA -- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.
Tatlong linggo na lang po ang nalalabi bago kami magkakaharap ni David Diaz sa Mandalay Bay Resort Arena at masasabi kong handang-handa na ako para sa laban. Matapos ang mahigit na halos isang buwan ng training dito sa Los Angeles, nasa tamang kundisyon na ang aking pangangatawan at siguro, ito na ang isa sa pinakamainam na training camps ng aking career.
Sa boksing, walang madaling training camp kung tutuusin, pero dahil na rin sa suporta ng aking mga kaibigan, team at coaching staff, maayos naming naiwawaksi ang bawat araw na nagdaraan sa aming kampo. Sino ang makakapagsabi na hindi lubos na mapanganib ang buhay ng isang boksingero? Ito na po siguro ang isa sa mga pinakamahirap na trabaho sa mundo.
Bukod sa pagsugal ko sa aking katawan at kalusugan sa bawat araw na umaakyat ako ng ring upang magsanay at maghanda, kailangan ko ring isakripisyo ang malaking bahagi ng aking oras kapalit ng hindi ko pagsasama sa aking pamilya. Minsan, kailangan talagang ibaling ang aking atensiyon sa ibang bagay dahil kung hindi, mami-miss ko ng lubos ang aking pamilya. Chess, darts at pagbabasa ng librong Purpose Driven Life ang aking inaatupag sa aking spare time. Naku, kung maaalala ko na naman ang aking asawa at mga anak, ako na naman ay nalulungkot at nasasabik.
Araw ng Martes, 10 rounds ulit ng sparring ang aking tinapos. Nakaharap ko ang dati ko pa ring mga sparring partners na sina Noel Rodriguez, Steve Quinones at Roger Gonzales at nasiyahan ang aking coaching staff sa aking pinamalas na bilis at lakas. Marami rin kaming mga plano sa laban depende kung sa ano ang magiging atake, kilos at galaw ni Diaz sa aming sagupaan sa Hunyo 28.
We have carefully studied his (Diaz) fighting style. We have seen on film how he attacks as well as how he defends. We are trying to plan and create counter-attacks as well as combinations in order for us to break down his defense and we are quite sure we have covered and dissected his fighting style. Hopefully, my team could finish their assignments so that we will all emerge victorious on June 28.
Paiba-iba ang panahon dito sa Los Angeles gaya rin siguro ng hindi normal na takbo ng panahon sa buong mundo. Noong dumating kami noong isang buwan ay malamig ang panahon. Ang sumunod na linggo ay mainit tapos sinundan ulit ng lamig. Kahapon ay medyo malamig pa rin kaya kaunting ingat lang ako sa mga problema na kasama sa hindi magandang panahon gaya ng ubo at sipon.
Pagkatapos ng isa pang linggo, papasok na kami sa pinakamahirap na yugto ng training at magiging 12 rounds na ang aking sparring sessions at parami na nang parami ang rounds sa mitts.
So far, so good, 'ika nga. Sana, ipagpatuloy pa rin ninyo akong ipagdasal. Kayo rin pong lahat ay kasama sa aking dasal.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all!
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025