Mobile Home | Desktop Version




Pahirap Na Nang Pahirap

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 29 May 2008




LOS ANGELES -- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.

Sa pagpasok ng buwan ng Hunyo mga ilang araw na lang mula ngayon, masasabi kong nasa tamang lugar at timing ako at ng aking team tungkol sa paghahanda namin para sa laban sa Hunyo 28 sa Mandalay Bay Resort Arena kontra kay David Diaz.

Pahirap na nang pahirap ang training at pataas na nang pataas ang bilang ng rounds ng aking sparring. Kahapon, dumating pa ang isa sa aking makaka-spar upang tulungan ako sa paghahanda laban kay Diaz na sigurado kong naghahanda rin ng todo.

Ang nadagdag sa grupo ng aking sparring partners ay si Juan Rodriguez, isa ring kaliwete na tutumbasan ang galing, bilis, galaw at lakas ni Diaz, ang kampeon sa 135-pound division ng World Boxing Council.

Noong huli (Lunes), naka-walong rounds na ako ng sparring at sa bawat linggo na dumaraan, paparami pa rin ng paparami ang bilang ng rounds ng sparring hanggang sa aabot ng 12 rounds mga dalawang linggo bago ang laban.

Masaya ang aking training camp. Maayos ang aking takbo sa umaga at kasama ko pa ang aking asong si Pacman kung minsan na umaakyat sa bundok at tumatakbo rin siya sa park sa umaga. Nakakatuwa itong aso ko dahil madali siyang turuan ng tricks dahil siguro bata pa siya.

Kasama ko rin sa pagtakbo si Vernie Torres, isa sa aking mga kababatang boksingero noong nagsisimula pa akong magboksing sa amateurs sa General Santos City. Maayos ang aking pagkain dahil magaling na cook ang isa sa mga assistant trainers. Si Raides "Nonoy" Neri, tubong Davao, ang umaasikaso sa aking nutrition at sinisiguro niya na tama ang aking protein, carbohydrate and vitamins intake na nakukuha sa pagkain.

Si Buboy Fernandez naman ay maganda ang pakikisama niya kay coach Freddie Roach kasama na rin si Eric Brown na tumutulong sa calisthenics. Iyong kapatid ni Buboy na si Roger ang umaalalay sa lahat ng gawain sa bahay at sa paghahanda ng mga gamit para sa training.

Kumpleto ako sa mga kaibigan at mga taong nagmamalasakit sa akin. May mga nagmamaneho para sa akin, mayroon din akong sariling abogado, tagapagsaliksik at sekretaryo at iyong umaasikaso sa mga gawaing pang-opisina. Mayroon ding regular na nagmamasahe sa aking pagod na katawan dala ng pang-araw-araw na trabaho sa itaas ng ring.

Malaki na rin ang pagbabago ng aking buhay mula noong ako ay nagsisimula pa lang na sumikat sa boksing. Dati, si Buboy lang ang gumagawa ng lahat, laba, luto, bili ng pagkain, mag-aayos ng mga gamit. Nakatira lang kami sa isang motel sa tabi ng gym at kung minsan, talagang napupuno ng tao ang maliit naming silid. Ngayon, medyo maayos na rin ang lahat, pati ang apartment na aking tinitirahan.

Gayunpaman, mahirap pa rin ang buhay ng isang boksingero. Walang nagbago sa aking buhay at sa aking pananaw sa pang-araw-araw na gawain. Sa bawat oras, sinusugal ko ang aking buhay at ang aking kalusugan. Sa tulong ng Poong Maykapal, nakakaraos din ako sa bawat pagsubok.

Sa huli, tayong lahat ay magwawagi. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025