Mobile Home | Desktop Version




Himala ng Paniniwala

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Mon, 26 May 2008




LOS ANGELES, CA - Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon, saan mang panig ng mundo.

Pagbalik namin galing ng Chicago, nabalitaan ko mula sa isang kaibigan na mayroon daw isang matandang Filipino na gumaling mula sa kanyang karamdaman nang ma-meet ko siya sa Chicago nitong linggong nagdaan.

Si Placido Dosdos, isa sa mga fans na aking nakamayan at nakasama sa Chicago nang mag-press conference kami ni David Diaz noong Miyerkules, ay mataimtim na naghintay at masiglang sumalubong sa amin upang makapanood ng aming pep rally. Ang hindi ko alam, may karamdaman pala si Tatay Placido.

Hindi ko alam na nagche-chemo therapy pala si Ginoong Dosdos dala ng kaniyang problema sa colon, ayon sa balita. Hindi ko rin alam na ang taong nahirapan sa pagbibiyahe ay nakarating sa lugar ng tagpuan kahit na malamig ang panahon at matagal ang paghihintay. Wala ring katiyakan na kami ay magkikita at magkakasama. Para kay Tatay Placido, sapat na sa kanya ang paniniwala na ako ay darating at magpapakita sa pep rally.

Naniniwala ako na si Tatay Placido ay isa ring mandirigma, iyong klase ng taong hindi susuko sa anumang problema. Siya iyong taong lalaban kahit na matindi ang pagsubok. Alam kong lubos ang kaniyang paniniwala na siya ay gagaling sa kanyang karamdaman. Diyan nagsisimula ang isang himala kasama na rin sa pananalig sa Poong Maykapal.

Masaya ako dahil nakapagbibigay ako ng inspirasyon sa maraming tao. Masaya ako dahil nagdudulot ako ng pag-asa at kaligayahan sa ilang tao. Masaya ako na nakikilala ko ang marami sa aking fans at nakakamayan sila gaya ng maraming tao na sumasalubong sa akin sa mga parade kapag umuuwi ako sa Pilipinas pagakatapos ng isang laban. Masaya ako na sa maliit na pamamaraan, may mga malalaking bagay na nangyayari sa bawat buhay ng tao.

Iyan po ang dahilan kung bakit ako lumalaban sa itaas ng ring. Iyan po ang dahilan kung bakit nagpupursigi ako sa buhay at kung minsan ay "nagpapakamatay" sa ensayo at paghahanda. Iyan ang dahilan kung bakit iniaalay ko ang aking buhay sa bawat laban at ginagawa ko lahat ng bagay upang lahat tayo ay magwagi sa anumang laban at kalaban.

Ang mga taong gaya ni Tatay Placido ang nagbibigay sa akin ng lakas, tapang at sigla upang talunin ang sinumang ihinaharap sa akin. Dahil na rin sa kanilang mga panalangin, ako ay hindi hihinto na lumaban upang sa huli ay maiwagayway ko ang bandila ng Pilipinas at maitayo ang puri ng kapwa ko Filipino.

Habang natutuwa ako sa munting milagro na nangyari kay Tatay Placido, ako naman po ay nalulungkot at nakikiramay sa pamilya ni Dindo Ofalia, isa sa aking mga kaibigan na nasa Pilipinas. Condolence po. Minsan, talagang malupit ang buhay pero kailangan hindi tayo mawawalan ng pag-asa at pananalig sa Diyos.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Top photo: Pacquiao (L) with Placido Dosdos in Chicago.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025