
MGA KALABAN NG KALIKASAN
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 18 May 2008
LOS ANGELES -- Magandang araw po sa inyong lahat saan mang panig ng mundo kayo naroroon.
Marahil ay nagtataka kayo sa topic ng kolum ko ngayong araw dahil siguro, gusto ninyong malaman ang pinaka-latest sa aking training at kung ano na ang nangyayari sa aking paghahanda sa ating laban sa June 28 kontra kay David Diaz sa Mandalay Bay Resort Arena sa Las Vegas.
Seryoso po ako sa aking training, huwag po kayong mabahala. I will not and I will never let you down. Pero, sa aking spare time, nagmo-monitor din ako sa mga kaganapan sa aking pamilya at sa Pilipinas.
Bilang tagapangalaga ng kalikasan at chairman ng Task Force Luwas Kinaiyahan sa buong Mindanao, ako ay nagbigay ng instruction sa aking mga kasamahan sa DENR na sila ay magbigay sa akin ng report kahit na nasa America ako.
Hindi maganda ang ibang balitang dumarating sa akin. Noong isang araw, may malalaking truck ng prime, high-grade lumber ang nahuli at pinigil ng aking mga tauhan. Hindi ko pababayaan na makalusot ang mga ganitong gawain ng ilang mga tao. Hindi ko hahayaang putulin ng mga ma-impluwensiyang tao ang mga troso ng kagubatan na siyang bumubuhay ng ating mga likas na yaman.
Nagbigay ako ng instruction sa aking mga pinagkakatiwalaang tao na huwag sana sila padadala sa mga tukso ng yaman at pananakot dahil mas higit pa diyan ang kabayaran ng paggawa ng tama at naaayon sa batas ng tao, Diyos at kalikasan.
Kapag pinutol ang isang malaking puno, malaki ang epekto nito sa kapaligiran. Hindi nakakapagtaka na hindi na sariwa ang hangin na ating nalalanghap dahil na rin sa walang-sawang pagpuputol ng puno. Marami ang nagkikibit-balikat na lang kapag nakikita nilang nagpuputol ng puno ang ilan sa ating mga kababayan. Saka na lang tayo nagtuturuan kapag bigla na lang bumabaha, nagla-landslide at libo-libo ang namamatay.
Paano na kung isandaang puno na ang malalaking puno at papatayin? Ang puno ang pumipigil ng pagbaha, ito ang kumapapit sa lupa upang huwag gumuho ito ang kumukontrol sa daloy ng tubig para hindi bumaha at ito rin ang pinanggagalingan ng tubig na ating iniinom lalong lalo na sa mga taong nasa kanayunan.
Kawawa ang mga maliliit na tao, iyong mga walang kamuwang-muwang, kung minsan, iyong mga walang kinalaman sa kasakiman ng iilang tao ang syang nag durusa, Hindi ko pahihintulutan na masira ang ating natural resources at kasama si Secretary Lito Atienza, lalaban kami sa mga nagnanais na sumira at kumalbo sa ating mga kagubatan at sanay tulongan nyo rin ako sa pag sugpo sa ganitong mga gawain.
Kung napapansin nyo na marami sa ating mga kababayan ang namatay sa pagbaha, pagguho ng mga bundok yan ang ipikto sa mga puno na walang sawang pinag puputol, kaya tayo nakaranas ng ganitong mga pangyayari, alam kong alam ng mga loggers na yan na sa tuwing gumuguho ang ating mga bundok at nagkakaroon ng pagbaha ay ipekto ito ng kanilang masamang gawain, pero binaliwala nila ito dahil ang mahalaga sa kanila ay kumita ng pera, at hindi nila inintindi ang kapakanan at kinabukasan ng mga mahihirap.
Kahit na busy ako sa pagte-training, hindi ko pwedeng pabayaan na makalampas ang mga ganitong tiwaling gawain. Nagtitiwala ako sa aking mga kasamahan na gagawin nila ang nararapat kahit na ako ay nasa malayo, at kung gusto nyo po ng update ng training ko dito sa america subaybayan nyo lang po ang mga column sa kumbinasyon.
At doon naman sa mga nahuli na nag-iiligal h'wag po kayong magagalit pag kayo'y mahuli kasi alam nyo naman na iligal yan at sanay maintindihan nyo na ginagawa ko ito para sa ating kalikasan at ang makinabang nito ay tayo ring lahat, para sa ikagaganda ng ating kalikasan. ''bato bato sa langit ang matamaan ay h'wag magalit''
Hanggang sa muling kumbinasyon. GOD BLESS YOU ALL.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025