
HUWAG MAGKUMPIYANSA
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 15 May 2008

LOS ANGELES ? Magandang araw po sa inyong lahat at sana nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng daigdig kayo naroroon.
Matapos ang maayos na paglapag namin noong Lunes ng gabi dito sa Los Angeles, nagkaharap na rin kami ni David Diaz sa tanghali ng Martes upang pangunahan ang press conference ng ?Lethal Combination? kung saan magkakasagupa kami ng WBC lightweight champion sa June 28 sa Mandalay Bay Arena sa Las Vegas, Nevada.
Nalaman ko na ako pala ang paborito sa labanan namin kahit ako ang challenger para sa korona ni Diaz. Kahit na ako ang umaakyat din ng timbang at itinuturing na mas maliit na mandirigma, ako pa rin ang pinipili ng mga eksperto na mananalo sa laban.
Tinitignan ko si David Diaz habang nagsasalita si Top Rank big boss Bob Arum at iba pang guests sa press conference at napansin kong tahimik lang siya na parang hindi niya alintana ang pagiging underdog sa laban. Sa pakiramdam ko, mabait na tao si Diaz, masayahin at hindi mayabang.
Hindi gaya ng karamihan ng mga boksingero na puro salita at maiingay sa mga press conference, si Diaz ay parang ako rin, hindi siya mahilig magbigay ng prediction sa laban at ayaw niya magsabi na gusto niya ako i-knock out. Sa tingin ko, mas
mapanganib ang mga taong gaya niya at alam kong gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang manalo sa laban.
Nagpapatawa pa nga siya, na matapos daw niyang manalo sa laban, bibigyan pa rin niya ako ng rematch at kahit na umabot daw kami sa Pacquiao-Diaz I, II, III, IV at V, lalaban pa rin daw siya sa akin.
I think David Diaz is a classy person as well as he is as a fighter and I respect him a lot for being a true gentleman. But many times, boxing matches end up with one fighter winning and the other losing. This is our business, to give the boxing public the best show and the best fight, that is why I will train hard in order for me to take his belt.
Nalalaman ko na kapag nanalo ako sa laban na ito, ako ang kauna-unahang boxer sa Asia na mananalo ng apat na titulo sa apat na magkakaibang weight divisions. Mula nang ako ay maging flyweight, super-bantamweight, (Ring magazine featherweight champion din), at super-featherweight champion of the world, hindi pa rin ako titigil hanggang matamo ang mas matayog na mga pangarap.
Sa tingin ko rin, medyo mas matangkad ako kay Diaz ng isang inch pero kahit na ganoon pa man, hindi ko hahayaang mahulog ako sa patibong ng over-confidence. Hindi ko mamaliitin ang kakayahan ni Diaz sa laban at lalo kong pagbubutihin ang pagsasanay at paghahanda sa laban.
Alam kong maganda ang tsansa nating manalo dito sa laban na ito pero kailangan pa ring magsakripisyo ng malaki at kailangan ko pa ring pagbutihin ang training gaya ng ginagawa ko sa bawat laban. Kailangan kong maging mas gutom at mas pursigido sa laban. Alam ko na nais ni Diaz na pigilin ako sa aking winning streak laban sa mga Mexican fighters pero nais ko ring patunayan na sa tulong ng Poong Maykapal, matatamo natin ang lahat ng ating ninanais at nanaisin pa.
There?s nothing personal against Mexicans and Mexican opponents. It just happens that the best fighters out there in my weight class happen to be Mexicans and I just happen to get lucky everytime.
Sabi nga nila, may the best man win.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025