Mobile Home | Desktop Version




ANG DAKILANG PAGONG

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 04 May 2008



Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuting kalagayan kayong lahat saan man kayo sa alinmang sulok ng mundo.
Minsan, tinatawanan natin ang dakilang pagong dahil sa mga kwento natin noong bata tayo kung saan nauugnay siya sa makulit na unggoy dala na rin ng mga kwento nina lolo at lola. Minsan, tinatawag natin ang ating kaibigan na "pagong" dahil sa mabagal nitong kilos. Noong kamakalawa, dahil na rin sa pagmamahal ko sa kalikasan, naugnay ulit ako sa dakilang pagong dahil na rin sa aking kakayahan bilang chairman ng Task Force Luwas Kinaiyahan ng buong Mindanao province.

Noong Biyernes, mahigit sa isandaang baby turtles ang pinakawalan namin ulit sa dagat ng Kiamba, sa Sarangani province. Marami sa atin ang kung minsan ay bumabale-wala lang sa mga hayop na ito at ginagawa lang nating ulam at binibili sa pet store para maging laruan. Ang iba naman ay sadyang humuhuli ng mga pagong at pawikan upang kainin ang karne nito o ipagbili bilang sangkap sa turtle soup. Ang itlog din nito ay ipiniprito at marami ang sadyang naghihintay upang hanapin kung saan naglilimlim ang mga turtles. Minsan, ang ilang mga species ng mga pagong at pawikan ay nagiging endangered species na rin kaya dapat lang na pangalagaan ang mga ito.

Habang tumatanda siguro ang tao ay lalong nagkakaroon ng awareness sa environment at lalong nagiging concerned sa mga bagay na gawa ng Diyos. I would really like my sons and daughter and the following generations including my future grandkids to enjoy a bountiful nature and still breathe fresh air coming from green and forested mountains. That is why I am giving my share this early, so that I can contribute in my own little way to these creatures of and from the seas. I come from the southernmost part of the Philippines which is rich in marine life.

Dahil na rin sa kayamanan ng Sarangani province at ng General Santos City na tinaguriang tuna capital of the world, nakipag-meeting ako kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kahapon upang maayos ang Philippine Tuna Council na siyang tutulong sa lahat ng mga mangingisda sa region. Ang Philippine Tuna Council ay makikipag-ugnayan din sa bansang Indonesia at pati na rin Malaysia na ating kapitbahay sa South East Asia.

Ang baybaying-dagat ng General Santos ay nasa timog na bahagi ng Celebes Sea at ito ay lubos na mayaman sa tuna at iba pang malalaking isda na isa sa mga pangunahing export ng bansa.
Napagkasunduan na ang ilang cabinet members ay tutulong upang maging makabuluhan ang proyektong ito. Sana, mabigyan ng tulong ang aking mga kanayon upang hindi sila nangangamba na mahuli at makulong sa international waters na kung minsan ay boundary na pala ng Indonesia at Malaysia.

Habang sinusulat ko itong kolum na ito, nakapag-train na ako ng dalawang sunod na araw sa Wild Card Gym sa Paranaque at sa ilang saglit, lilipad naman kami at manonood sa Cebu, kung saan lalaban ang ilan sa mga boxer na tinutulungan naming umasenso gaya ni Rodel Mayol. Malaki ang tiwala ko sa kakayahan ng kapwa ko Pilipinong boxers at alam ko, sa pamamagitan ng kaunting tulong at break sa mga ito, marami pang magiging world champion sa susunod.

Ang MP Promotions ay nagbibigay din ng break sa mga boxers gaya nila Michael Farenas at Bernabe Concepcion na kasalukuyang nagte-train sa Wild Card gym sa Los Angeles. Good luck to you guys and I will see you there next week.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025