Mobile Home | Desktop Version




KAKAIBANG MUNDO

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 01 May 2008



GENERAL SANTOS CITY -- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

I am just about to finish my second semester in college where I am taking Business Management at the Notre Dame of Dadiangas University here in my hometown and before I start training, I would be finishing two more subjects.

Kailangan ko na lang pong tapusin ang tatlong subjects para makumpleto ko ang second semester at first year ng kolehiyo. Sa kasalukuyan, tinatapos ko ang Literature at Business Management I subjects.

Noong kamakalawa, nasubukan ko ang scuba diving sa Cebu at sobra ko pong nagustuhan ang experience na ito. Bilang tagapag-alaga ng kalikasan, nakita ko ang ganda ng dagat at ang mga corals at mga makukulay na laman-dagat na nasa ilalim.

Nakakadismaya na dumarating sa akin ang mga hindi magagandang balita ng dynamite fishing at paggamit ng pesticide upang manghuli ng isda ang ibang mga tao. Malaking pinsala ang nangyayari pala sa araw-araw at iilan lang ang nakakaalam nito.
Kasama ko ang mga dive masters na sina Boyla, Lito Ruiz, Gen. Tiboy Fusilero, Caloy Homo at ang aking kapatid na si Rogelio at ang aking secretary na si Bren Evangelio na nag-dive at lahat ay nag-uwi ng mga ala-alang hindi makakalimutan. Ngayon, alam ko na kung bakit marami ang mga taong nagmamalasakit sa kalikasan.

Hindi maipaliwanag ang saya at pakiramdam sa ilalim ng dagat. Parang nasa ibang mundo ka, walang polusyon, walang ingay, walang gulo, walang problema. Sobrang ganda sa mundong ito, gusto mong minsan ay hindi na magwakas ang panahon. Naaalala ko rin iyong mga araw noong ako ay bata pa at wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Dahil lumaki rin ako sa tabing dagat, natuto ako na sumisid na walang oxygen tank upang manghuli ng isda para ibenta o kainin ng pamilya.

Siguro, dahil na rin sa mga experience na gaya ng pag-dive na walang oxygen tank, lalong lumakas ang aking baga at tumibay ang aking pangangatawan. Maligaya ako at kahit na mahigpit ang schedule ko, nagagawa ko ang mga bagay na ito.

Sa pagdating ng buwan ng Mayo, uumpisahan ko na ang pag-train para sa laban ko kay David Diaz ng Chicago sa Hunyo 28. Hindi pa po pirmado ang kontrata namin ni Diaz kaya hindi pa rin ako nagsisimulang mag-train ng puspusan sa Wild Card gym.

May mga detalye pa na hindi ko nakikita sa kontrata at ang aking kaibigan at lawyer na si Jeng Gacal ay darating pa lang sa Biyernes galing sa America upang ipakita sa akin ang mga nilalaman ng kasunduan. Ayon sa pag-uusap namin ni Jeng noong isang araw, may mga bagay pa akong dapat malaman bago ko pirmahan ang kontrata.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025