Mobile Home | Desktop Version




Paghahanda Sa Hinaharap

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 24 Apr 2008

GENERAL SANTOS CITY ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan sa pangangatawan, pag-iisip at sa ispiritwal na aspeto ng buhay.

Habang hinihintay ko pa rin ang resulta ng final negotiation para sa laban namin ni David Diaz sa June 28, tinatapos ko sa lalong madaling panahon ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Sana, matapos na ang usapan para mapirmahan ko na ang kontrata at makapagseryoso na sa training.

Nagsimula na rin po akong tumakbo sa umaga at nagpapapawis sa pamamagitan ng paglalaro ng basketbol sa hapon pagkatapos kong manggaling sa paaralan. Enjoy ako at inspirado sa paghahabol ng magandang grado upang ma-impress ang aking mga propesor.

Higit sa lahat, seryoso ako sa pag-aaral dahil kailangan kong patunayan sa sarili ko na walang imposible sa buhay at kayang matamo ang anumang bagay na iisipin at hihilingin sa Diyos. Balang araw, kapag hindi na ako nagboboksing, kailangan kong pangalagaan ang aking mga business at mga assets. Importante para sa akin ang hindi ako maloloko sa mga transaksyon sa kalakal. Mahalaga din na maayos ang aking communication skills para sa aking pakikitungo sa mga iba't-ibang tao na aking makakaharap.

Busy ang aking schedule palagi kapag hindi ako naghahanda para sa isang laban dahil marami akong mga bagay na dapat tapusin at gampanan. Bilang kampeon ng mundo, mahalaga rin sa akin na gampanan ang pagiging isang ambassador ng bansa. Medyo malaki na nga ang nagbago sa aking buhay dahil alam ko, kailangan kong maging isang magandang halimbawa sa mga kabataan at maging inspirasyon sa aking mga kababayan.

Sa April 27, kasama ko ang aking butihing maybahay na si Jinkee upang gampanan ang pagsasabuhay ng kasaysayan na naganap noong ika-15 siglo nang gapiin ni Lapu-Lapu ang dayuhan na si Ferdinand Magellan sa tanyag na "Battle of Mactan." Babalik ulit kami sa Cebu upang umattend sa Kadaugan Festival.

Kasama na rin siguro ang isang side-trip sa Pinamungahan, Cebu kung saan raw nagmula ang angkan ng aking mga ninuno.

Pagkatapos nito, tinatanggap ko ang imbitasyon ng Chinese government upang bisitahin ang higanteng bansa ng China sa Abril 30 hanggang sa unang linggo ng May. Naghahanda ang China para sa 2008 Beijing Olympics na mag-uumpisa sa 8-08-08. Kasama ko sa trip na ito ang aking pamilya, si Chavit Singson, Wakee Salud at iba pang miyembro ng aking team.

Importante rin sa buhay na ma-experience ko ang iba't-ibang kultura at alam ko, ang China ay may isang mayaman na nakaraan. Kasama na rin sa aking bakasyon ang pagbisita sa Great Wall of China na sa mga larawan ko lang nakikita. Ayon sa impormasyon, lahat ng magagandang bahagi ng China ay aking mabibisita.

Alam kong matindi ang susunod kong laban kay Diaz at hindi naman po ako nagpapabaya sa aking katawan at sa paghahanda.

Magkita-kita po tayon ulit. Hanggang sa susunod na Kumbinasyon. God bless us all always.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025