
Filipino Hospitality vs Mexican Invasion
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 10 Apr 2008

GENERAL SANTOS CITY -- Magandang araw po sa inyong lahat. Lubos akong nasisiyahan na makumusta kayo ulit. Ako po ay nasa mabuting kalagayan at sana, kayo rin.
Nitong nagdaang Linggo sa Araneta Coliseum, marahil ay nabalitaan ninyo ang pagkapanalo ng lahat ng Filipino boxers at ang pagdating sa bansa ni Juan Manuel Marquez upang siya mismo ang humikayat sa akin na sumang-ayon para sa isang rematch.
Nangyari ito bago lumaban sa main event si Gerry Pe?alosa kontra kay Rattanachai Sor Vorapin kung saan nagwagi ang aking kumpare sa pamamagitan ng TKO sa ikawalong round. Congrats, Gerry at sa lahat ng nanalo.
Si Marquez na galing pa ng Mexico, pinabagsak ko sa ikatlong round at tinalo ko sa isang dikit na split decision halos isang buwan na ang nakakalipas, ay personal na naghamon sa akin. Sa aking pansariling opinyon, dalawang beses ko nang tinalo si Marquez dahil noong una kaming nagkaharap noong 2004 (tabla ang resulta noon), nagkamali at inamin noong isang judge na mali ang score niya sa laban at ako ang karapat-dapat na nagwagi.
Isa lamang ang aking sasabihin sa lahat ng gustong lumaban sa akin. Wala akong kinakatakutan sa inyo at wala akong uurungang paghamon dahil ako ay Filipino, isang mandirigma na gaya ni Lapu-Lapu ay hindi natakot sa espada ni Magellan na kanyang pinaslang sa Mactan.
I have never backed out, backed down, backed away or backed off from a fight. As long as I am healthy and I can still give happiness and a good performance to my fans, my countrymen and all of boxing, I will continue to fight and train against everyone.
I have faced bigger men in sparring and I have never chosen easy fights. That's why people loved me. Marquez doesn't scare me and actually, I am very eager to fight him soon, again.
I am a fighter. My job is to get ready for a fight and stay in shape. People also need to realize this: This is my job, this is my business. I have a team and I trust them to guide me and tell me what is best for my career. I am starting to believe what boxing people write about me, that because my style of fighting is what the fans want, that is why everyone wants to fight me, because any opponent will also earn more if they fight me, Marquez included.
Wala pong problema sa rematch. Kung si Marquez ay nagpapresyo ng malaki upang hindi matuloy ang unang rematch at naghintay kami ng apat na taon para mangyari ang Pacquiao-Marquez II, hindi ko patatagalin pa ang ikatlong laban kung iyan ang gusto ng lahat. Depende rin yan sa negosasyon, siyempre.
Binibigyan-pugay ko si Marquez sa kanyang tapang at lakas ng loob dahil nagawa niyang pumunta dito sa Pilipinas. Pero naaawa rin ako sa kanya dahil sa masyado siyang desperado para sa isang rematch. Medyo naiinis din ang marami sa aking mga kasama dahil hindi siya marunong tumanggap ng pagkatalo. Iyakin siya, parang bata. He is not a good sport, sabi nila at naniniwala ako doon. We could have fought bare-fisted in the parking lot or anywhere, even in his backyard, but I think I am more of a gentleman. I will not stoop down to his level dahil iyan ang turo sa akin ng aking mga magulang.
Kilala ang mga Pinoy sa kanilang hospitality at hindi ko papatulan si Marquez kahit na ano pa man ang kaniyang ginawang pambabastos o kawalan ng respeto. Naniniwala siya na nanalo siya gaya ng ibang mala-utak-talangka kong kababayan na humingi pa ng imbestigasyon. Ang hindi masabi ni Marquez ay karamihan din ng mga tao ay naniniwala na ako ang nanalo o sumang-ayon sa judges. Gaya nga ng nasabi ko, there is always a winner and there is a loser. Salamat sa Diyos, ako ang napili ng dalawang judge na nakatutok at nasa harap mismo ng aksiyon. Close fight talaga.
To Juan Manuel, we will see each other soon and I hope you stay healthy.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.
***
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025