
Masarap Mag-aral
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Mon, 07 Apr 2008
GENERAL SANTOS CITY?Magandang araw po sa inyong lahat. I hope everyone is doing well. I wish everybody is healthy in mind, body and spirit.
Napakasarap pala mag-aral. Ito po iyong matagal ko nang hinahangad mula pa noong mawalay ako sa aking mga magulang, umalis ng bahay noong nagbibinata pa lang ako para hanapin ang aking kapalaran sa malaking syudad sa pamamagitan ng boksing.
Dati, kinakanta ko lang ang awit ni Nonoy Zuniga, iyong kantang pamagat ay "Doon Lang." Naalala ko noon, habang ako ay nangangarap, na kung natapos ko lang ang aking pag-aaral? gaya ng nakasaad sa lyrics ng kanta. Habang inaawit ko ito, sabay din akong nagdarasal na sana, isang araw, makatanggap din ako ng isang diploma. Sana, sa pagsisikap ko, makatapos ako ng high school man lang.
Hindi naman po nagtagal, sa pagsisikap at sa pagnanasa kong gumanda lalo ang aking buhay, naipasa ko ang equivalency test ng high school dahil na rin sa hangarin kong makakuha ng high school diploma. Pero hindi po ako kuntento na high school lang ang natapos dahil alam ko, marami pa rin akong dapat malaman na mga bagay na importatnte sa buhay upang lalo kong maintindihan ang kalakal at matuto akong magsalita ng maayos upang maihayag ko ang sarili ko sa publiko.
Kaya po ngayon, ako ay enrolled sa kolehiyo at matatapos ko na ang first year ng business management course ko sa Notre Dame of Dadiangas University. So far, so good, but I still have a lot of "unfinished business."
Tama si Jose Rizal. Ang kabataan nga ang pag-asa ng bayan kaya hinihikayat ko ang lahat ng mga bata na tapusin ang inyong pag-aaral habang ang inyong mga magulang ay malakas pa at kaya pa kayong itaguyod. Huwag ninyo pabayaan na masayang ang panahon at pagod ng inyong mga magulang at habang bata kayo, makapag-umpisa rin ng maaga.
Hindi sapat na nakuha ko ang aking "diploma" sa boksing. Hindi panghabang-buhay ang pagiging boksingero ko at darating din ang araw na isasabit ko ang aking gloves at magre-retire. Hindi sapat na tanghalin akong kampeon sa itaas ng ring dahil hindi naman ako panghabang-buhay na magboboksing. Darating din na ako na ang mamamahala ng aking mga business.
Hindi sapat na mayaman ka sa mundo. Hindi tama na marami kang taong pwedeng utusan para gawin ang iba't-ibang bagay-bagay. Importante na alam mo na hindi ka lolokohin sa isang transaction o hindi malulugi ang isang negosyo.
Samantala, mag-eenjoy ako sa panonoood ng isang magandang boxing card. Good luck sa lahat ng mga boxer. Kay Gerry Penalosa, itayo mo ang bandera ng Pilipinas. Kay Boom Boom Bautista, AJ Banal, Ciso Morales, Bert Batawang at Michael Domingo, alam kong kaya ninyong magwagi.
Hanggang sa susunod na Kumbinasyon. God bless everyone.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025